|11|

500 17 0
                                    

Lex's POV

"Pano ka nakapasok dito?" napag disesyunan naming dalawa na maupo na muna matapos namin dalawang subukang muling hanapin ang exit sa maze na ito.

"May sinundan lang ako kanina tapos iniwan niya ako then the next thing I know is I'm inside of this freaking maze!" naiirita kong kwento sa kanya.

"No, I mean dito sa University'ng ito? Like you know super hirap kaya maka pasa dito." napangiwi naman ako dahil sa pag lilinaw niya. Bukod sa nasisilaw ako sa buhok niya ay naiinis ako na napa kwento na ako tapos mali naman pala ang pagkakaintindi ko.

"Hindi lang halata pero matalino naman ako." simple ko nalang na sagot sa kanya.

"No, not that as well. Madali lang ang Entrance exam dito syaka for formalities na lang yun eh. I mean dapat maganda ang background ng Family mo para makapasa ka sa pamantayan ng School na ito para makapag-aral ka dito. Is your dad a politician? A tycoon? Or maybe your family is part of a mafia group?" Parang gusto ko nalang sumuko sa pakikipag-usap sa lalaking ito. Hindi ko alam kung mag kakaroon paba ng pagkakataon na tatama ang isasagot ko sa kanya. At isa pa hindi halata sa kanya na madaldal pala siya. Masyado din siyang friendly at feeling close. Napaka casual kasi niyang makipag-usap sakin kahit kakakilala palang naman namin. Ni hindi pa nga namin alam ang pangalan ng isa't isa.

"I am myself is a tycoon." nilingon naman ako nito at manghang-mangha sa sinabi ko.

"You're joking right?" hindi nito makapaniwalang tanung muli sakin.

"I'm not, I don't need my families connection to be able to study here." confident kong sagot sa kanya.

Bata palang ako ay nasa pag nenegosyo na ang hilig ko pero kailangan kong sundin ang mga magulang kong e-take ang Engineering kahit hindi ito ang gusto ko. Hindi nila ako hahayaang gawin ang mga bagay na gusto ko kung hindi ko sila susundin sa pag take ng course na ito. Na discover ko din naman na maari ko paring e-pursue ang pag bu-business kahit hindi ako nag take ng course para doon.

May clothing line ako at marami akong restaurant sa iba't ibang sulok ng Pilipinas kaya naman nasupurtahan ko ang pagiging Car racers na pera ko mismo ang ginamit.

"Well that's nice. May kakilala din naman ako na gaya mo." muli niyang binalik ang paningin sa harapan kung saan isang mataas na halamang pader ang tanging matatanaw.

"She's amazing and strong, kaya nga pumayag ako sa gusto ng dad ko na maging assistant niya sa lahat ng negosyung iniwan ng daddy niya para sa kanya." hindi ko man naiintindihan ang mga sinasabi niya ay tinanguan ko nalamang siya.

"Anong ginagawa ninyo dito?" sabay kaming napalingon ng lalaking kasama ko sa nag salita. Naka uniform ito na may nakasulat na maintenance at may hawak siyang walis at dust pan.

"Estudyante ba kayo dito?" tanong ng matandang lalaki samin. Tumayo na kami ng kasama ko.

"Yes po." sagot ng kasama ko.

"Kanina pa nag sisimula ang program tapos nag tatago lang kayo dito?" masungit na sabi nito samin.

"Naku hindi po. Naligaw po kami dito at hindi na namin mahanap ang daan palabas." ako na ang nag paliwanag dito.

"Ganon ba?" nag bago naman ang emusyon ng matanda.

"Ay sundan ninyo ako at nang makalabas na kayo dito." aniya at agad na naglakad. Sinundan naman namin ito.

"Maraming salamat po." sabay naming sabi dito nang makalabas kami. Hindi na kami nito sinagot pa at muli itong pumasok sa maze. Siguro ay mag lilinis siya doon. Mabuti nalang pala at may nag lilinis ng lugar na iyon, kundi baka mabulok na kami ng kasama ko doon.

I'm Dating the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon