|12| Del Ore's Mansion

518 18 0
                                    

Justin's POV

Hindi ko na maalala kung gaano nga ba kalaki ang Mansion nila Star, kahit ang bakuran nito ay talagang sobra ang lawak. The whole Del Ore compound is real massive.

Mula sa main gate ay matatanaw mo ang malalaking puno sa bawat gilid at dahil sobrang layo ng mismong mansion ay siguradong hihingalin ka kapag nilakad mo lang ito.

Automatic na bumukas ang gate at sunud-sunod ang kotse naming apat habang nasa unahan namin ang motor ni Star na diri-diritsyo lamang na pumasok sa compound nila.

May malawak na parking lot sa kanang bahagi ng mansion kung saan ito ang ginagamit na parking area para sa mga bisita kapag nag kakaroon ng okasyun ang Del Ore family at sa mismong mansion nila ninanais na idaos ang okasyon. Nag park kaming apat doon habang tumuloy si Star sa underground parking area nila.

Sinalubong naman kami ng butler ni Star na si Taylor ng makababa na kami sa mga kotse namin.

"Welcome to Del Ore's Mansion!" Bati nito samin habang nakayuko.

"Allow me to guide you inside of the mansion." Aniya at agad giniya ang daan patungo sa mansion.

Since we were kids, Shone and I used to come here to play with Star everytime that our parents have a reunion with Star's parents. Matatalik na magkakaibigan ang mga magulang namin at dahil doon naging magkababata kaming tatlo.

Gaya ng dati ay hindi nag bago ang Mansion nila, may apat na palapag ito at bukod pa doon ay talagang napakalaki at lawak ng mansion. If I remember it right may malakawak na golf course sa likurang bahagi ng bakuran ng mansion at may Lawn Tennis court na matatagpuan sa right side ng compound.

Binuksan ng dalawang maid ang malahiganting front door habang nakayuko ang mga ito samin. Hindi maitatanggi na mas higit ang karangyaan ng buhay ni Star kumpara saming apat.

"You may wait for Miss Star here." Ani Taylor nang mahatid kami nito sa main sala ng mansion at sa gilid nito ay ang grand staircase ng mansion na may red carpet pa. Makikita din sa dulo ng stair ang malaking family painting ng pamilya Del Ore. Naka upo sa magarang bangko ay isang dalaga habang nasa tigkabilang gilid nito ang mag-asawa. At si Star ang dalagang naka upo sa gitna.

It's sad to realize na wala man lang kahit na anong litrato ni Connie at Stellar sa buong mansion. Silang dalawa ang nakababatang kapatid ni Star pero kaming apat bukod sa mga kasambahay ng Mansion lamang ang nakakaalam na may mga kapatid si Star Del Ore. Kasama ang mother nilang si Mrs. Caleena Stark Del Ore ay sa London na ipinanganak at lumaki ang dalawa habang naiwan dito sa Pilipinas si Mr. Stell Del Ore at Star upang mapamahalaan ang mga negosyo nila.

Hindi naman nag tagal ang pag-aantay namin kay Star at agad na itong dumating. "Nag pahanda na ako ng Lunch." Bungad nito samin at syaka naupo sa single couch.

"That was a great plan Star, akalain mo nakaganti ka kaagad sa Dean na yun!" Austhine is still mesmerized by what happened earlier. Lahat iyon ay planado ni Star and we just act on our rule para masakatuparan ang plano ni Star. We prepare her stage at nang handa na ang lahat ay siya ang nag hila ng kurtina upang simulan ang palabas.

"Thanks to Violet who able to gather all of the information I needed!" Violet smiled from ear to ear after Star praise her.

"Well hindi ko naman magagawa ang lahat ng yun kung walang tulong galing kay Clyde!" Ani Violet na ikinagulat namin ni Shone.

"Clyde? Clyde is here in the Philippines? O nakausap mo lang siya through phone?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shone. I'm also shock at what Violet said but I played it cool.

"Yes, I'm here!" Walang ano-ano naman ay lumitaw na si Clyde at hindi siya galing sa main door ng Mansion, I think galing siya sa kusina.

"Clyde?" Napatayo pa si Shone dahil sa nakita niya.

I'm Dating the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon