|7| 3 Gang System

575 16 0
                                    

Warning: May mga eksena sa pahinang ito na maaring hindi naaangkop para sa mga bata at para sa mga mahihina ang loob. Charot! Basta read at your own risk! Thank you.

Austhine's POV

Sinubukan ni Andrew'ng atakihin si Star matapos nitong mag landing sa kalsada nang sipain nito ang isa sa mga kasama ni Thomas, subalit mabilis siyang nailagan ni Star na para bang naramdaman ni Star ang balak niya.

Hindi saamin bago na makitang nakikipag laban si Star, pero ngayun ay kitang-kita ko kung gaano siya gumaling pang lalo.

Noon palang ay hindi ko na maintindihan kung bakit palaging itinatago ni Star ang mga kamay niya sa tuwing nakikipag laban ito. Iniisip ko nalang palagi na siya ang tipo ng tao na ayaw madudumihan, dahil kita ko naman kung gaano kalinis ang condo niya at kung gaano siya ka obsess sa kaayusan.

Ang mga sipa lamang naman niya ay malakas na kaya naman hindi ko siya nakikitaan na nahihirapan siya kapag nakikipag laban. Ultimate rule din niya saamin ang huwag makialam sa oras na mag disesyun siyang makipag laban, kaya naman gaya ng nakasanayan ay pinapanuod lamang namin siyang nakikipag laban sa limang tao.

Mukha namang aatakihin si Violet sa puso dahil sa mga nangyayari. Kahit gaano siya ka hanga kay Star at kahit alam niya kung gaano kagaling ang leader namin ay palagi siyang ganoon, palagi siyang nag-aalala para kay Star.

Mula sa pag-ilag ni Star sa ataki ni Andrew ay agad niyang tinuhod ito, tinamaan naman ito sa sikmura at agad bumagsak sa kalsada. Isang straight punch naman ang pinakawalan ng isa pang kasama ni Thomas pero effortless itong nailagan ni Star. Sinubukan nito muling atakihin si Star pero naunahan siya ni Star at tumumba ang lalaki matapos sipain ni Star ang hita nito.

Ngayun naman ay sinusubukang tumayo ng lalaking tumilapon kanina dahil sa pag sipa ni Star nang bumaba siya sa kotse ni Thomas. Pero mabilis siyang nalapitan ni Star at muling nasipa sa sikmura. Tumumba muli ito at ngayun ay wari kong wala na itong malay.

"AHHHH!" Sigaw ni Thomas habang rumaragasang tumatakbo palapit sa kinaruruonan ni Star.

Umilag lamang si Star ng malapit na ito, ang buong akala ko ay susuntukin niya si Star pero hinablot nito ang mask na suot ni Star at dahil hindi agad umilag si Star ay naabot niya ito.

Napaluhod naman ang kanang tuhod ni Star kasabay ng pagkapatid ng tali niya sa buhok. Sumabog ang buhok niya na naging dahilan kung bakit natakluban ang mukha niya. Halos mapatid ang hininga ko dahil sa nangyari.

"Black Star!" Pahakbang na si Justin nang maigalaw ko ang katawan ko at nahablot ko ang kamay niya. Kapag nakialam siya ay hindi namin alam kung gaano kasama ang magiging resulta ng galit ni Star.

"Hindi maaring makita ng mga tao ang tunay niyang mukha!" Hindi ko na makilala ang boses ni Justin dahil sa matinding pag-aalala at marahil dahil sa matinding galit kay Thomas. Ngunit hinigpitan ko ang kapit ko sa kanya, hindi naman siya lumilingon sakin o sinusubukang kumawala sa pag kakahawak ko. Nakatutok lamang ang atensyun niya sa direksyun ni Star na kasalukuyang nananatiling naka luhod. Hindi siya gumagalaw.

"YOU BITCH!!" Sigaw ni Thomas, kaya naman agad nabaling ang atensyun namin sa kanya. Itinapon nito ang mask ni Star sa kalsada.

"STAR!" sigaw ni Violet ng makita naming may hawak na baril si Thomas. Kulay ginto ito at mahaba. Ito ang isa sa mga pusta niyang Golden Gun. Bakit nasa kanya ito gayung dapat lahat ng pusta ay nasa mga admin na?

Nag layuan naman dahil sa takot ang mga tao, ang ilan naman ay napasigaw sa nakita nila. Parang nanigas naman ang katawa ko dahil sa nangyayari.

"Kahit gaano kapa kagaling, hindi ka makakaligtas sa bala!" Sigaw ni Thomas.

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now