|45| Denial

259 7 0
                                    

Lex's POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa dalawang tao na kilalang-kilala ko. Jarvis and Jarrus!

At hindi nga ako nag kamali nang idilat ko ang mga mata ko at sa kanilang dalawa nga nag mumula ang ingay na nakagising sa akin. Nag babatuhan ang dalawa ng piraso ng mga prutas na hinihiwa ni Haldrin. Wala naman pakialam si Haldrin sa mga nasasayang na piraso ng prutas at patuloy lamang ito sa ginagawa.

Hanggang sa pumasok si Mhiya, natigilan ang kambal at hanggang ngayun ay hindi pa nila namamalayan na gising na ako.

"Lalanggamin dito!" Mabilis na nilapitan ni Mhiya ang kambal at binigyan ito ng tig-isang suntok sa sikmura. Napaluhod ang dalawa nang sabay at namilipit sa sakit na binigay ni Mhiya sa kanila.

"Pulutin ninyo yan ha!" Utos ni Mhiya na agad sinunod ng dalawa kahit pa sapu-sapo nila ang kanilang sikmura. Well they deserve it.

"Lex!" Nang mapalingon sa kinaruruonan ko si Mhiya ay syaka niya napansin na gising na akong muli. Napangiti na lamang ako sa kanila nang lahat sila ay mag silapitan sa kama ko ng sabay-sabay.

Parang nag laho bigla ang sakit na naramdaman ng kambal at ngayun ay nakatayo na sila ng tuwid. Si Haldrin naman ay nadala pa ang kutsilyong gamit niya kanina at nang ma realize niya ito ay mabilis niya itong pinatong sa side table ng kama ko.

"Nagising kaba ng kaingayan nila?" Natatawang tanung ni Haldrin. Tumango ako habang nakangiti. Ngayun lang ako hindi maiirita sa kaingayan ng kambal.

"See? Apaka pasaway ninyo talagang dalawa!" Muli naman silang nakatikim ng sermun kay Mhiya.

"I'm glad to see you awake, Lex." Ani Haldrin.

"Sobrang natakot kami nang marinig namin sa radio na bumaliktad ang kotse mo at muntik na mahulog sa bangin." Ani Jarrus.

"Natapos pa ba ang karera?" I asked. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko pa itong naisip ngayun.

"Yeah!" Mahinang sagot ni Jarvis. Hmmm I knew it.
Kahit mamamatay na ako ay hindi niya ako tatapunan ng atensyun. Hindi siya mangingiming tapusin ang karera kahit may mamamatay na. I expect this, pero bakit naiinis parin ako? Bakit bumibigat parin ang nararamdaman ng dibdib ko?

"So my car is wreck?" I asked again, trying to avoid the real question I wanted to ask.

Kung naka dalaw na sa akin si Violet it means na nakabalik na rin sila sa Pilipinas, pero bakit hindi niya ako madalaw man lang? Goddammit bakit ba para akong sira na nag-aantay? Wala naman kaming label. Hindi naman totoo na boyfriend niya ako.

"Total wreck!" Ani Jarvis in a funny tone. Mapapalitan naman ang sasakyan. I thank God na buhay parin ako.

"There's something bothering you?" Puna ni Mhiya. Hindi na ako nagulat na mapansin niyang may kung ano akong inaalala. She know me so much.

"It's nothing." But I still want to avoid it. Hindi ako ganoon ka tapang to face my feelings lalo na sa harapan nila. I'm their leader at naipatalo ko pa ang laban dahil sa maling desesyun ko. I let them down.

"Kung inaalala mo ang pagkatalo natin sa Japan battle, wala yun samin. Nakikipag karera kami dahil masaya syang gawin at nag e-enjoy kami. Pero hindi naman sa amin mahalaga ang matalo." Mhiya assured me. Tumango na lamang ako ng marahan at syaka ngumiti.

Dahil lang naman talaga sa akin kung bakit sila napasok sa pakikipag karera at ako naman ay dahil sa pag hanga ko kay Black Star kaya nahilig ako dito. But now that admiration turn into something different, much deeper. Pero mukhang kailangan ko nang isuko dahil kahit doon ay talo ako.

I'm Dating the StarWhere stories live. Discover now