TM_67

90 11 0
                                    

Kinabukasan ay maagang dumalaw si Perth sa ospital kasama ang kanyang pamilya. Excited syang pormal na ipakilala si Saint sa kanyang ama. At masaya din ang kanyang ina at si Patty na makita at makasama ulit ang na-miss nilang si Saint.

Naging mas masaya pa ang pagbisitang ito, ng dumating din ang ama ni Saint at si Auntie Mae. Dahil dito nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap at makilala ng husto ang isa't-isa, hindi lang sa mga pangalan, kung hindi pati na din sa saloobin ng bawat ng pamilya.

"Nakakatuwang makita na nagkakasundo sila" nakangiting bulong ni Perth kay Saint habang nakatingin sa kanilang mga magulang. "Para tayon may family reunion" pahabol nya pang salita.

"Pero sa tingin ko, mas magandang isipin kung pamamanhikan ito" bulong naman ni Saint.

"Huh?! Anong!"

Dahil napalakas ang kanyang salita, nakuha ni Perth ang atensyon ng lahat "May problema ba Perth, anak?"

"Po? Wala, Ma. Ok lang po, sorry." Sagot naman ni Perth, habang nangingiti nalang.

"Ngayon ko lang nalaman na ang galang mo palang bata" natatawang pang-aasar naman ni Saint, ng makitang nangingiti si Perth dahil sa nakakahiya nyang pagkagulat.

"Pwede ba tumahimik ka, kasalanan mo 'to, ano ba kasing pinagsasabi mo dyan" naiinis namang sagot ni Perth. Ngunit ang kanyang pagka-inis ay agad namang napalitan naman ng isang simpleng ngiti.

********************

Dahil sa magandang resulta ng mga test at mabilis na pagbalik ng lakas ni Saint, ay maaari na syang makalabas ng ospital.

Kaya ngayong huling araw nya dito, ay ipinasyal sya ni Perth sa mini park ng ospital.

"Ang ganda dito" salita ni Saint, habang masayang pinagmamasdan ang buong paligid. "Naalala ko tuloy nung nagpunta tayo ng park dati, ang saya saya natin nun, naalala mo pa?" pahabol nya pang salita.

"Masaya talaga. Kaya pag pwede ka ng mamasyal at umalis alis ulit. Yun ang una nating puntahan, ok ba?" excited na salita ni Perth.

Ngunit isang matipid ng ngiti lang ang isinagot ni Saint sa kanya, na kanya namang ipinagtaka.

"Nga pala Saint, gusto ko sanang pag-usapan at linawin yung tungkol saatin. Alam kong naging magulo yung relasyon natin dati, pero maaari bang ipagpatuloy pa din na------"

"Si Doc. Kaownah yun 'diba?" biglang salita ni Saint, dahilan para matigilan sa pagsasalita si Perth.

Ng mapansin ni Doc.Kaownah na kumakaway sa kanya si Saint, ay agad nya itong nilapitan at saka sila masayang nag-kwentuhan. Ibinida nya ang iba't ibang facility ng ospital, pati na din yung unang pagkakataon na nakapunta sa lugar na ito si Perth.

Ng matapos ang kanilang maikling kwentuhan, ay masayang nagpaalam si Saint, samantalang isang matipid na ngiti naman ang ipinakita ni Perth. "Bakit ganyan ang itsura mo?" pagtatakang tanong agad ni Saint.

"Tayo kasi ang nag-uusap, tapos bigla mong tinawag si Doc. Kaownah. Paano ako magsasabi sayo?" naiinis na salita ni Perth.

"Ok, ok. Fine. Sige sabihin mo, anong gusto mong sabihin. Makikinig na ako sayo" sagot naman ni Saint, sabay harap kay Perth.

"Gusto ko kasing malaman kung... Kung... Ano E' Paano ba? ... Paano kung... Hayst!"

Hindi mabuo ni Perth ang kanyang sabihin para kay Saint. Bigla syang nakaramdam ng takot at kaba, na baka hindi ang inaasahan nyang sagot ang isagot ni Saint sakanya. Na baka umaasa lang syang ok pa sakanila ang lahat, pero iba na pala ang totoong nararamdaman ni Saint para sakanya. Kaya naman umisip nalang sya ng iba nilang pwedeng mapag-usapan.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now