TM_31

98 8 5
                                    

Kinaumagahan...

 Pagkatapos mag almusal, nag asikaso na ng sarili si Saint dahil may kailangan syang puntahan na kaibigan. Samantalang si Perth naman, ay bumalik na din sa kanilang kwarto upang  magligpit ng kanyang mga gamit. 

"Huwag kang aalis ng hindi ako bumbalik" 

"Okay" 

"Huwag kang magpapasundo kay Blue" 

"Okay"

"Ako ang maghahatid sayo" 

"Okay" 

"Huwag ka-----" 

"Saint. Akala ko ba nagmamadali ka? At tsaka uuwi ako sa apartment, hindi ako mangingibang bansa" natatawang salita ni Perth. 

"Kasi" malungkot na salita ni Saint, sabay balik sa pagkakaupo sa kama. "Kasi, gusto ko sanang dito ka nalang mag stay sa bahay. May mga guest room naman dito, kung gusto mong magkaroon ng sariling kwarto" pagpapatuloy na salita ni Saint. 

Habang malungkot na nakatungo si Saint na para isang bata, nilapitan sya ni Perth. Umupo ito sa kanyang harapan, nakapatong ang mga braso sa binti nito at dahan dahang iniangat ang kanyang mukha para magpantay ang kanilang tingin.

"Saint, uuwi lang ako dun, doon naman talaga ako sa apartment, kasama si Jump mag s-stay. Bakit ka nalulungkot ng ganyan" nangingiting salita ni Perth. 

"Sino na ang makakasama ko matulog?  Sa pag gising ko, hindi na ikaw ang unang makikita ko. Siguro hindi na din ako mag brebreakfast"  mahinang salita ni Saint. 

Hindi naman mapigilan ni Perth na mangiti ng makita ang reaksyon ni Saint, kung paano humaba ang nguso nito, na para bang bata na hindi napag bigyan sa kanyang gusto. Tinitigan ni Perth si Saint, ngunit umiiwas naman ito ng tingin sakanya. Kaya naman isang mabilis na halik sa labi ang ginawa ni Perth at saka nya niyakap ito ng mahigpit. At bumulong ng "Ang cute mo talaga. Itigil mo na yan, baka panggigilan kita" . 

"Hindi na naman ako nagbibiro, Perth" naiinis na salita ni Saint, ngunit hindi maitago ang matipid na ngiti sa kanyang labi. 

"Bakit? sino bang may sabi na nagbibiro ako?" seryosong sagot naman ni Perth. Habang unti unting lumalapit ang kanyang mukha kay Saint. 

Ngunit bago pa mailapit ni Perth  ng tuluyan ang kanyang labi ulit, agad ng tumayo si Saint at naglakad diretso sa pinto ng kwarto. 

"Basta, aantayin mo ako. Ihahatid kita" salita ni Saint. 

"Aaalis ka pa din pala, akala ko mag e-exercise nalang tayo dito" natatawang sagot naman ni Perth. "Umalis ka na, 'wag kang mag alala. Aantayin kita" dugtong pa nitong salita. 

"Ok sige, bye" 

"Sandali, Saint!"

"Oh, Bakit?" 

"I love you. Mag ingat ka" 

"I love you too" masayang sagot ni Saint sa kapareha. 

Dala dala ni Saint ang masayang ngiti hanggang sya ay makababa at makasalubong si Auntie Mae sa may pintuan ng bahay. Nagpaalam din sya sakanya at niyakap ito ng mahigpit. Sanay naman si Auntie Mae sa ganitong paglalambing ni Saint - ngunit ramdam nyang kakaiba ang saya ni Saint ngayong araw. 

Ng makaalis si Saint, ay pinagpatuloy naman ni Perth ang pag aayos ng kanyang mga gamit. Habang abala sa kanyang ginagawa, hindi nya napansing nakatayo na pala sa pintuan ng kwarto at pinagmamasdan sya ni Auntie Mae. 

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now