TM_65

71 7 1
                                    

"N-Nammon?" pagtatakang sagot naman ni Perth, ng makitang si Nammon ang nagbukas ng pinto. "Bakit ikaw?" dugtong nya pang salita.

"Anong bakit ako? Anong ginagawa mo dyan? Ikaw din ba ang kumatok, ngayon ngayon lang?" pagtatanong naman ni Nammon sakanya, at saka tumingin sa hallway.

Tumayo muna agad si Perth, mula sa kanyang pagkakadapa.  "Oo, ako di  yun. Pero bakit ikaw? I mean, ikaw na ba ang bagong nakatira sa unit na 'to?"

"Hindi. Taga linis lang ako dito"

"Taga linis? Ikaw? Paano nangyari yun?"

"Gusto mo bang dito tayo mag-usap o gusto mong pumasok ka na muna?" nakangiting salita ni Nammon.

Hindi naman na tumanggi si Perth, agad din syang sumunod sa loob, pagkayaya sa kanya.

Pagkapasok, ay inilibot agad nya ang kanyang paningin sa buong paligid, habang isa isa nyang hinahawakan ang mga gamit na kanyang nadadaanan.

"Wala pading nagbago" bulong nya sa kanyang sarili. Nilapitan nya din ang notes na nakadikit sa ref., ito ang mga notes na ginawa sa kanya ni Saint noon, para hindi nya makalimutan ang mga dapat nyang dalhin at gawin.

"Nandito pa din pala ito" muli nyang salita. At saka nya ibinaling ang kanyang atensyon kay Nammon. "Hindi ko maintindihan  Halos walang pinagbago ang lugar na 'to, ganitong ganito pa din, tulad ng huli kong punta dito. Pero bakit, bakit ka---"

"Bakit ako nandito? O baka naman, ano ang ginagawa ko dito? Ano sa dalawa ang taong mo?" nangingiting salita ni Nammon habang komportableng nakaupo sa sofa. "Diba sabi ko sayo, taga-linis ako dito, maybe the correct term is caretaker. Caretaker ako ng unit na 'to ni Saint" dagdag nyang salita.

"Si Saint pa din ang may ari nito? Talaga? Hindi nya manlang ba naisipang kalimutan nalang ang lugar na 'to.

Biglang napatayo naman si Nammon mula sa kanyang kinauupuan, at saka dumiretso sa may bedroom area. "Ikaw na ang tumingin, para naman magka idea ka kung bakit. Ang tagal mo na kasing hindi ako kinakausap, kaya wala kang update tungkol kay Saint" sagot sakanya ni Nammon.

Napatingin muna si Perth sa kaibigan habang nakakunot ang mga kilay bago tuluyang humakbang papasok sa bedroom area.

At dito nakita ni Perth ang tunay na dahilan. Hindi nya inasahan na kahit matagal na, ay nandito pa din ang mga ito - ang mga bulaklak na gawa sa pulang papel na maayos na nakaayos sa buong kwarto. Mapapansin din ang mga lobong nawalan nalang ng hangin, ngunit nanatiling nakabitin pa din sa kisame. Ang isang simpleng table set-up na nakapwesto sa isang sulok. Nakapwesto pa sa lamesa ang mga plato, baso, ilang mga kubyertos at higit sa lahat ang paborito nilang beer ni Saint. At ang pinaka espesyal sa lahat ay ang salitang nakadikit sa puting pader - Happy 1st  Anniversary. Kasama nito ang mga picture nila ni Saint na nagsilbing pang-dekorasyon. Sa bawat litratong kanyang tinitingnan, ay pabigat ng pabigat ang kanyang nararamdaman, na nahihirapan na din syang pigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Ito ang dahilan kaya hindi maiwan ni Saint ang lugar na 'to. At ng makabalik ako, ay isa ito sa hiningi nyang pabor saakin" salita ni Nammon. "Taon na din ang lumipas pero nananatili pa ding maganda itong ginawa nya para sayo. Noong una nga akala ko magaling lang ang na-hire kung tagalinis. Pero kahit sila ay nagtaka din na para bang may kung sinong nag-aalaga dito. Siguro yun yung pagmamahal ni Saint sayo. Na kahit lumipas man ang panahon, nanatili itong naroon at hindi nagbago"

Lahat ng mga gamit sa loob ng kwarto ay masasabi ni Perth na malaki ang naging parte sa kanilang masayang relasyon ni Saint noon. Mabilis na bumabalik sa kanyang isipan ang mga masasayang pagkakataon na yun, na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang mga biruan, tawanan, kulitan, asaran, lahat ng paglalambing ni Saint sa twing sila ay magkasama, lahat ng yun ay muling bumabalik  sa kanyang isipan. Sa bawat gamit na kanyang nahahawakan, ay para bang ibinabalik sya nito sa masayang nakaraan.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon