TM_48

67 7 0
                                    

"Saint... Saint.. Excuse lang sandali"

"Yes, ano yun?

"Dumaan si Perth, pinabibigay nya" at saka niya iniabot kay Saint ang isang paper bag na may lamang pagkain at inumin.

"Si Perth talaga? Nasaan sya? dapat pinapasok mo na sya dito"

"Mukhang nagmamadali, kasi pag kaabot nya saakin niyan, umalis na din sya agad"

Napatango nalang si Saint sa sinabi ng kanyang kaibigan, habang tinitingnan ang laman ng paper bag.

"Kaya pala hindi ka na nagpapasabay saamin ng pagkain, may taga bili ka na pala. Pero infairness naman sakanya, ang pogi... Baka naman... Baka naman puwede mo ako ipakilala dyan siya friend mong taga BussAd, please?" salita nya na may malapad na ngiti.

"E kung ganito nalang, damihan ko pa kaya ang request ng mga props? Bigyan mo ako ng hanggang 2-3 design per item para madami tayong option. Much better 'diba?"

"Saint naman. Seryoso ba yan?"

Ngunt hindi na nagsalita pa si Saint, ibinaba nya ang paper bag sa tabi ng kanyang mga gamit at bumalik na ulit sa kanyang ginagawa.

"Saint naman, galit ka na agad? Ano bang masama kung magustuhan ko sya, sa tingin ko naman bagay kami. Don't worry I will take care of him and I will love him with all my heart, promise" pagpapatuloy nya pang salita.

Ngunit nagpatuloy pa din si Saint sa kanyang ginawa, hindi na nya pinasin pa ang kasama na kanina pa salita ng salita sa kanyang tabi. Ngunit makikita sa mukha ni Saint ang pagkainis sa mga sinasabing papuri nito para kay Perth.

"Oy! Saint sige na. Bakit ba ang protective mo kay Perth. Alam mo Saint, hindi magkaka-girlfriend ang mga kaibigan mo kung ganyan ka ka-protective sakanila. Una si Nammon, ngayon si Perth"

"Hindi ko sya kaibigan, bo-------"

Dahil sa pagkainis sa kakulitan ng kasama, hindi na nakontrol ni Saint ang kanyang sinasabi. Kung hindi pa dumating si Nammon ay maaaring nasabi na nya ang kung ano ang relasyon nya kay Perth at kung bakit sya ganito.

"Hep! Hep! Hep! Anong nangyayari dito? Bakit nag aaway ang assistant director at team leader ng props team?"

"Yang friend mo napaka damot, manghihingi lang ng tulong para makipagkilala kay Perth, ayaw pa" salita nya habang nakataas na ang nguso at nakahawak ang mga kamay sa bewang.

"Bakit ba kasi si Perth pa, nandito naman ako? Bakit hindi ako ang pagpantasyahan mo?" nangingiting sagot ni Nammon.

"Ikaw? Nako! paano? 'E yang friend mo nakabantay din sayo. Ayaw mamigay ng mga pogi" dagdag pa nyang reklamo.

"Ano ka ba naman, pwede mo naman akong lapitan anytime, basta matapos mo yung request naming props para sa photoshoot. Tapos mo na ba?"

"Nammon?" pagsingit ni Saint sa usapan.

"See? Look how he react? Sino bang hindi maiinis, dinadaan nya lagi sa pagiging cute pero ang totoo ang sungit naman"

"Oh! Tama na yan, mag me-meeting pa tayo mamaya, umayos nga kayong dalawa. At saka ikaw naman, alam mo namang majority ng nasa team mo ay fan ni Saint, gusto mo bang gumawa mag-isa ng props pag nalaman nilang inaway mo ang sinasamba nila?"

"Hayst! Ok fine. Ok fine. Aalis na ako"

"Sige na, back-to-work na, yung request kong props, paki priority"

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now