TM_02

405 31 1
                                    

"Kamusta ka na, Perth? I miss you"

Na blanko ako ng ilang saglit, hindi ma-process agad ng utak ko ang nangyayari, pati na din ang mga sinasabi nya. Kani-kanina lang sya ang naiisip ko, ngayon ito na, nakangiti sa harapan ko.

"Saint!" sigaw ni Jump na nang galing sa aking likuran "akala ko hindi ka na darating. Nako! magagalit na talaga ako sayo!" pahabol nyang salita.

"Ikaw pa ba? e'ang kulit kulit mo!" sagot naman ni Saint sakanya.

"Upo, upo na, shot muna! bawal tumanggi!"

"Oo na. Sige na!" natatawanang salita ni Saint "Cheers! para sayo! Happy Birthday!"

"Nga pala, Ikaw lang? Nasaan si----"

"I'm here! Happy Birthday bro!"

"Nammon! talaga naman!" at saka sila gumawa ng kakaibang handshake.

Ngunit kailan pa naging ganito ka close si Jump at si Nammon? Sinadya ba ito ni Jump? Dinahilan  lang ba nya ang kanyang birthday para mag sama sama kami dito ngayon? hayst!

"oy! Perth! anong nangyayari sayo? ang tahimik mo dyan? Ok ka lang?" tanong saakin ni Blue.

Nabigla ako ng siniko ako ni Blue, na nakabalik na pala sya galing sa CR. Pakiramdam ko lumulutang ang isip ko ngayon. Hindi ko naisip na posible palang magsama sama kami dito ngayon. 

"Alam nyo guys ang saya ko, kompleto ang barkada ngayon. Totoo, walang halong biro, kung artista nga lang ako baka napaiyak pa ako" nangingiting salita ni Jump.

"Umay Jump! Tigilan mo yang drama mo" pang-aasar naman ni Blue at saka sila nagtawanan.

"Panira ka talaga ng moment Blue! By the way, kamusta naman ang galing Australia?" nakangiti at panay ang taas baba ng kilay ni Jump habang nakatingin naman kay Saint.

"Nothing special, ano ka ba. Ganoon pa din naman, habang inaalagaan si Daddy, nagtraining ako bilang light director sa studio kung saan sya nagtrabaho" maikling paliwanag ni Saint

"Nice! director! ang angas! yan ang kaibigan ko. Dapat i try mo din mag artista, sa gwapo mong yan. Patok agad ang magiging palabas mo" buong lakas na kwento ni Jump.

"Tingin ko nga. Hindi pa ako nagsisimula, may fan na agad ako" natatawang sagot naman ni Saint sakanya

"of course! count on me bro" at sabay sabay silang nagtawanan "e'ikaw Nammon? anong bago? balita sayo?" pahabol nya pang tanong

"May tunay na akong trabaho, at part-time manager nalang ako sa coffee shop" 

"Yung Coffee shop na yun pa din ba ang tinutukoy mo?" biglang eksena ni Blue sa usapan.

"Yup! yung coffee shop na hindi ko mabitawan, kahit hindi ako ang owner. Ewan ko ba" salita ni Nammon sabay inom ng alak na sya mismo ang nagsalin sa kanyang sariling baso sabay tingin kay Saint.

"Talaga? Akala ko i-tu-turn over na na yun sa tunay na may-ari, yun ang sabi ni Kuya Tul saakin?" pagtatakang salita ni Blue.

At nagpatuloy pa ang kwentuhan nila hanggang sa bumaba na ng stage sila Title at Thap at nakisali na din sa tawanan at asaran. Samantalang ako, ito, matipid na ngiti lang ang binibigay sakanila habang nakikinig sa mga kwentuhan nila. Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko, parang ako ang hindi kasama sa barkada, parang ako ang umalis ng higit isang taon. Bakit parang wala akong alam sa mga pinag uusapan nila? Bakit parang hindi nila ako napapansin? Bakit parang -----

"Perth?"

"Perth? Ok ka lang?"

"Huh? Ako? Ok lang. Bakit?"

TIME MACHINE [BL]  ✔completedDär berättelser lever. Upptäck nu