TM_32

87 9 5
                                    

Time check: 7:45 AM

Dumating ang magkakaibigang Jump, Blue at Perth sa university sakay sa magandang asul na sasakyan ni Blue at bumaba sila sa tapat ng kanilang faculty building. Maaga silang dumating sa kinasanayan nilang dating oras ng kanilang pagpasok.

"Iba talaga pag naka-wheels, hindi hagard ang itsura pag pasok. Lumalabas ang kagwapuhan ko" nangingiting, pagmamayabang ni Jump, habang komportableng nakasandal ang likod sa pinto ng kotse.

"Ibang klase ka talaga, daig mo pa yung may ari ng sasakyan. Tara na nga, para naman hindi tayo malate ngayon" salita naman ni Perth.


Dalawang magkasunod na subject ang nasa morning schedule nilang tatlo. Kaya naman ng matapos ang kanilang klase, nagkayayaan ang magkakaibigan na kumain ng marami sa cafeteria, para makabawi ng lakas at ma refresh ang utak.

"Grabe, nag init ang pwet ko sa kakaupo at nakaka stress din ang prof., ang dami agad na gustong ipagawa" pagrereklamo ni Jump, habang inaayos ang kanyang gamit.

"Sinabi mo pa at ang haba ng oras ng klase natin" sagot naman ni Blue. "Nagugutom na tuloy ako, tara na at kumain na tayo" pagyaya nito sa mga kaibigan.

"Tama, tara na sa cafeteria. Tara na, tara na" pagsang ayon ni Jump.

Ngunit walang imik si Perth sa mga sinasabi ng mga kaibigan, busy itong nakatingin sa kanyang cellphone.

"Hoy Perth? Tara na! sa cafeteria tayo" pagtawag ni Jump.

Ngunit imbes na lingunin ang mga kaibigan, busy pa din itong nakatingin sa kanyang cellphone.  Bago nagsalita ng, "AAhmm. Mauna na kayo may dadaanan lang ako, susunod nalang ako sainyo"

"Saan ka pupunta? Dikit ang schedule natin baka malate ka mamaya" pag papaalala ni Blue sa kaibigan.

"Pupuntahan mo si Saint? Namiss mo na agad? Text mo nalang kaya" salita ni Jump na may pang asar na ngiti.

At sa pagkakataong ito, inalis na ni Perth ang atensyon sa kanyang cellphone at tiningnan ang mga kaibigan na may salubong na kilay. "Hindi si Saint, Babae. Babae ang pupuntahan ko" inis nitong sagot.

"Babae? Sigurado ka ba dyan?" pang aasar pa lalo ni Jump.

"Pwede ba, tama na ang tanong. Aalis na ako. Bilhan nyo nalang ako ng pagkain, mabilis lang ako" salita ni Perth sa kanila, at saka dumiretso ng lakad palabas ng classroom. Hindi na nya inaantay pa ang sasabihin ng mga kaibigan.

"Ibang klase talaga. Naging sila lang ni Saint, kinakalimutan na tayo" napapailing na salita ni Jump.

"Naging sila lang?" pag uulit ni Blue. "Bakit sila ba talaga? Wala pa ngang sinasabi saatin, pinapangunahan mo naman agad" patuloy pa nyang salita.

"Blue naman, obvious naman kasi" salita ni Jump, sabay akbay sa kaibigan. "Ewan ko ba sakanila, bakit hindi pa ireveal saatin para maging smooth ang mga plano natin" pagpapatuloy nitong salita.

"Hay Jump! Tumigil ka na nga, mag antay nalang tayo ng balita, huwag mong pangunahan. Pero sa ngayon, ang dapat nating unahin ay kumain. Tara na bilisan mo, gutom na talaga ako"


---------------------------


Agad na dumiretso si Perth sa Comm.Arts building para puntahan si Saint. 

Habang naglalakad palapit sa building, hindi maiwasan ni Perth na hindi pansinin ang ilang estudyanteng kanyang nakakasabay at nakakasalubong.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ