TM_23

85 7 0
                                    

"Masarap ba?"

"Ale? Ale ikaw pala" nangingiti kong salita, habang masarap na kinakain ang ice cream na nakuha ko ng libre sa cafeteria. "Gusto mo?"

"Sigurado ka? parang kulang pa yan saiyo" natatawa nya ding sagot.

"Ang init kasi kaya masarap mag ice cream. Ikaw ba hindi ka naiinitan? nakabalabal ka pa at naka mask"

"Hindi naman, komportable ako dito"

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Nga pala, anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihin na pumunta ka dito, para lang mag ice cream" nangingiti nitong tanong.

"Ayun oh" sabay turo ko sa batang Perth na nakaupo sa may parking space.

"Anong ginagawa nya dito? na may bitbit na maleta? 'Diba bakasyon na dapat ang mga freshman? At tsaka base sa itsura nya hindi sya nag e-enjoy, samantalang ikaw dito tuwang tuwa sa kinakain mo?" sunod sunod na tanong saakin ng Ale.

"Hayaan mo nalang sya Ale, ngayon lang yan. Mamaya at sa mga susunod na araw, magiging masaya na para sa batang Perth. Magsisimula na ang the best day ever" pagpapaliwanag ko sa Ale.

"Best day ever? Tungkol naman saan? Ngayon na ba magiging official couple ang PerthSaint?"

"Yes! Dahil ----- sandali nga" napakunot bigla ang aking kilay ng maintindihan ang sinabi ng Ale. "Paano mo nalaman? alam mo na ba 'to? Alam mo Ale, matagal na akong naghihinala sayo? Sino ka ba talaga? Ipakita mo saakin yang mukha mo" sunod sunod kong tanong. Ang kaninang masayang mood ko ay napalitan ng pagkalito, paano nya nalaman yun?

"Perth, relax. Hinulaan ko lang naman, defensive ka naman masyado ... At balik tayo doon sa best day ever mo, meaning ok na sayo na maging si Perth at Saint na? Hindi ka na din ba galit kay Saint ngayon?" salita ng Ale habang inihaharap ako sa batang Perth.

Ang batang Perth at si Saint? Oo nga, magiging couple na sila. Bakit ko nga ba nasabing best day ever, kung pagkatapos ng dalawang taon alam ko na ding maghihiwalay lang sila. Maiiwan at masasaktan lang ulit. Hahayaan ko nalang bang maulit yun? Dapat hindi 'diba? Pero bakit natututwa ako, na e-excite pa ako sa mga susunod na mangyayari?

"Ano Perth? Naiisip mo na ba, na hindi ka dapat nagagalit kay Saint? Nung mga nakaraang araw, ikaw mismo ang nakakita sa effort ni Saint. Siguro naman, deserve nya ang maging masaya kasama ang taong gusto nya? Pero . . . Pero naiisip mo din ba, paano kung nabago na ang lahat? Paano kung ang alam mong memories na kasama si Saint ay mag iiba na pala? Ikakatuwa mo ba dahil may galit ka kay Saint? O ikakalungkot mo dahil wala na sya pati sa alaala mo?"

"Tumigil ka Ale! Hindi mawawala ----- Ale? Nasaan sya? Paanong nangyari na nawala sya agad? Nagsasalita pala sya ah. Totoo ba 'to?" iniikot ko ang aking paningin sa buong paligid ngunit walang Ale akong nakita. May kausap ba talaga ako? O epekto lang ito ng sobrang inet?

Kaya naman ibinagsak ko ang aking sarili sa gilid ng daan, umupo ako ng nakalapat ang mga binti sa kalsada. Saka huminga ng malalim at nilingon ulit ang batang Perth, na tahimik na nag aantay malapit sa may parking.

"Bakit ba ako ganito? Tuwang tuwa ako pag nakikita ko ulit yung mga masasayang memories kasama si Saint, tumatalon sa tuwa ang puso ko kapag nararamdaman ko ulit ang saya ng mga panahong kasama ko si Saint. Natitigilan naman kapag pinapaisip saakin ng Ale ang tungkol sa galit ko kay Saint. Pero mas nakakaramdam ako ng galit at inis pag sinasabi nyang hindi na o ipaubaya ko nalang si Saint sa iba. Ano bang dapat? Ano bang tama? Nahihirapan na akong mag isip, gusto ko ng umuwi"

At napapikit at napayuko nalang ako, habang nakapatong ang aking mga kamay sa aking batok.

-------------------------

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now