TM_13

102 9 0
                                    

"Bakit ba kasi naiwan ka pa? kailangan ko pa tuloy magmadali ngayon"  salita ni Perth habang nagmamadaling naglakad palabas ng library hall papunta sa kanilang faculty building. Habang naglalakad na may malalaking hakbang ay tinitingnan isa isa ni Perth ang dalang papel kung kumpleto pa nga ito, nagpatuloy sya sa kanyang ginagawa hanggang sa patawid na ng kabilang side ng kalsada kung nasaan ang kanilang faculty building. 

Dahil naka focus si Perth sa mga papel na  kanyang hawak, hindi nya napansin na may paparating na sasakyan galing sa kanyang kanan. Mabuti nalang ay may kung sinong biglang humila ng kanya mula sa likuran para maiwasan ang aksidente.

"Ay sh*t!" salita ni Perth ng maramdamang may kung sinong humila sa kanyang likuran kasabay nito ang malakas na busina galing sa kadadaan lang na sasakyan. 

"Sh*t talaga! kung nabunggo ka" salita naman nito. 

"Saint?" 

"Perth. Pangalawang beses na 'to, mabuti nalang at nandito ako, at nakita kita agad. Paano kung hindi? Baka mas malaking sh*t pa ang masasabi mo. At tsaka nandoon ang pedestrian lane, wala dito" inis na salita ni Saint. 

"Ahm. Salamat.... Pasensya ka na Saint" salita ni Perth habang pinapakita ang pilit na ngiti. 

"Paano ka, kung wala ako ngayon dito? Sasamahan kita hanggang sa pupuntahan mo, saan ang klase mo ngayon?" 

"Pero Saint, hindi naman kailangan. Mag-iingat na ako" nahihiyang sagot ni Perth. 

"Kailangan, Perth. Kailangan! Tara na" seryoso pa ding salita ni Saint.

Agad nyang kinuha ang kamay ni Perth, saka nya ito hinawakan ng mahigpit para magsabay sila sa paglalakad. 

Wala namang nagawa si Perth sa naging aksyon ni Saint, sumunod nalamang ito. Sabay silang tumawid sa tamang tawiran, hanggang sa makarating sila sa harap ng faculty building. 

"Saint, ok na dito. Hindi mo na ako kailangan pang ihatid sa tapat ng classroom" salita ni Perth. 

Unti unti naman ng binitawan ni Saint ang kanyang kamay, ng marinig ang sinabi nito. At saka sya nilingon ni Saint para tingnan at tumango bilang sagot.

"Galit ka ba? Pasensya ka na, naabala pa tuloy kita" mahinang salita ni Perth

"Paano kung wala ako doon? Paano kung hindi kita nakita agad? Pwede kang madisgrasya, maospital. Naiisip mo ba yun?" naiinis na salita salita ni Saint.

"Sorry, Saint. Magiging mas maingat na ako sa susunod" sagot naman ni Perth, kasabay ng unti-unting pagbaba ng kanyang tingin.

"Dapat  lang Perth!

Habang nakatingin sa kaibigan, napahugot nalang  si Saint ng isang malalim na paghinga para pakalmahin ang sarili. Saka ito unti-unting lumapit pa kay Perth. Magaan nyang hinawakan ang baba nito, at saka dahan dahang iniangat para magtama ang kanilang tingin.

"Perth listen, hindi ako galit, nag aalala lang. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon nandoon ako, na dadating ako. Paano nalang pag wala ako? Kaya pasensya ka na sa naging reaksyon ko, nag alala lang talaga ako sayo" mahinahong pagpapaliwanag ni Saint.

Napangiti nalang si Perth at napatango bilang sagot sa sinabi ni Saint. Makikita sa mukha ni Perth ang masaya at kalmadong ekspresyon ngunit dinig na dinig nya mismo ang malakas na tibok ng kanyang puso.

"Sige na, pumunta ka na sa klase mo" salita ni Saint.

"Salamat sa concern mo saakin Saint, paano ba ako makakabawi sayo? Ang dami ko ng utang sayo" salita ni Perth.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora