TM_62

94 9 8
                                    

"Sorry? Para saan?" pagtatakang tanong ni Mr. Tanapon sa anak. "Sandali nga... Perth? Huwag mong sabihin na may ginawa ka na namang kalokohan?" pahabol nyang salita sa anak.

"Pa, naman. Seryoso po ako... Sorry po talaga, pasensya na, dahil saakin napahiya kayo sa lahat"

"Seryoso din naman ako, pero hindi ko alam kung para saan yang sorry mo? Napahiya ako? At kanino naman?"

"Papa, yung tungkol dun sa bar. Yung video na hinahalikan ko si Aya, na hindi naman dapat. Dahil dun napahiya kayo sa lahat, at nasira ko ang bakasyon nyo. Sorry talaga Papa, pero maniwala po kayo hindi ko talaga ginustong gawin yun. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nagawang halikan si Aya nun, baka dahil lasing ako"

"Sandali nga... Kung makapagsalita ka parang nung isang araw lang nangyari ang lahat ng yun ah? Matagal na yun, sobrang tagal na. Halos hindi ko na nga maalala. Pero gusto kong i-tama yang katwiran mo dahil mali yan, huwag mong isisisi sa alak ang ginawa mo. Hwag kang magpapa kontrol sa alak at sa mga masasamang impluwensya na nasa paligid mo. Kailangan pag hindi mo na kaya, umalis ka na. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang humalik, ikaw ang may gawa, hindi ang alak."

"Pero Pa? Hindi po sa ganun"

"Perth, anak. Makinig ka, hindi na iyon ang importante ngayon, nagawa mo na yun at hindi na magbabago yun. Oo nasaktan kami, nasaktan ako sa totoo lang,  at natakot din ako para saiyo dahil baka hindi mo matanggap ang mga sasabihin ng ibang tao tungkol sa nangyari. Ngunit ang mga sugat ng kahapon ay ngayo'y naghilom na. Kahit nag iwan man ng  peklat o marka ang mga sugat, yun naman ang tutulong sayo para magpatuloy at itama ang mga pagkakamali mo noon."

At nagpatuloy pa ang ganitong usapan ng mag-amang Tanapon. Ang minsang naging malamig na pakikitungo ni Perth sa ama noon ay unti unti ng bumabalik ulit sa dati.

Sa kanilang pamilya, sa kanyang ama lang sya nakakapagkwento ng ganito. At hindi din nawala sa kanilang usapan ang tungkol sa kalagayan ni Saint.

"Nga pala, anak. Kamusta na pala yung kaibigan mong tumulong sayo? Sabi ng mama mo, comatose daw sya ngayon"

"Si Saint po. Comatose po sya. Kahit araw araw ko syang kinakausap, humihiling na magising na sya, pero wala pa ding nangyayari. Kasalanan ko kung bakit sya nandun, ako ang nagdala sa kanya sa kapahamakan"

"Anak, diba sabi ko sayo, wala kang kasalanan. Oo tinulungan ka nya, pero wala namang kayang makapag sabi na ganito pala kalala ang mangyayari sakanya. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo, makakasama din yan sayo"

"Wala naman akong magandang naibigay sakanya Papa, pero tinulungan nya pa din ako. Ni hindi nya manlang inalala ang sarili nya. Ni hindi nya manlang naisip na posibleng maging delikado yung buhay nya"

"Perth, ganun talaga ang isang tunay na kaibigan. Maswerte ka dahil may kaibigan kang kagaya nya"

Napahinto si Perth ng marinig nya ang salitang kaibigan. Hindi nya alam kung bakit, pero nakaramdam sya ng kirot at pagkadismaya sa kanyang sarili, ng biglang magbalik sa kanyang isipan na minsan nyang pinagtulakan si Saint papalayo sa kanya. Yung mga pangit at makasariling desisyon nya para sa kanilang relasyon. At ngayong kaharap ang kanyang sariling ama, may parte sa kanyang isipan na tumutulak sa kanya para ipagtapat na sa ama ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Saint, at kung ano nga ba ang kanilang relasyon.

"Perth? bakit bigla kang tumahimik? May masakit ba sayo?"

Sa pagkakataong ito, buo na ang loob ni Perth na sabihin sa kanyang ama ang tunay nyang nararamdaman, kung ano si Saint sa buhay nya. Alam nyang maaaring masira nya ang relasyon nilang mag ama dahil sa gagawin nya. Ngunit sa pagkakataong ito, si Saint naman ang kanyang iisipin. Kaya naman, humugot muna sya ng isang malalim na paghinga upang magkaroon ng sapat na lakas ng loob na harapin ang kanyang ama.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now