TM_39

63 7 1
                                    

Hanggang sa matapos ang kanilang klase, hindi pa din mawala sa isipan ni Perth ang kanyang mga nakita.

"Posible nga ba talagang tama ang sinasabi ni Mean? Ano ba talaga ang namamagitan kila Saint at Nammon? Pero mayroon man o wala, hindi ko mapigilang hindi  magalit, kinakain ako ng selos" salita nya sa kanyang isipan.

Kaya naman para mapanatag, sinubukang tawagan ulit ni Perth si Saint, at sa pagkakataong ito ay hindi naman sya nabigo - sinagot na ni Saint ang kanyang tawag.

Ipinaliwanag ni Saint ang nangyari - kung bakit sya at si Nammon ay magkasama sa clinic. Pati na din kung bakit hindi nya nasagot ang mga naunang tawag niya.

"Ok lang, Saint. Naiintindihan ko" sagot ni Perth. "Makakauwi ka na ba? Pwede bang sabay na tayong umuwi? Pupuntahan kita dyan sa clinic" pahabol nya pang salita.

Kahit, mas gusto sana ni Saint na sa parking na lang sila magkita, para hindi na sya mag-abala pang dumaan sa clinic, ay wala naman na syang nagawa. Dahil ipinilit pa din ni Perth ang sarili nitong gusto - pupunta sya ng clinic para sunduin si Saint at para kamustahin na din si Nammon.

"Guys, mauna na kayo umuwi, dadaanan ko lang sila Saint at Nammon sa clinic" salita ni Perth sa mga kaibigan.

"Oy, sasama kami, ng makamusta naman namin si Nammon" sagot naman ni Jump.

"Huwag na. Tawagan nyo nalang sya para kamustahin, mas ok yun"

"Pero, gusto ------"

"Sige na. Alis na ako. Mag-ingat kayo. Ba-bye!" At binilisan na ni Perth ang kanyang paglalakad, hanggang sa patakbo na itong bumaba sa hagdan.

Habang naiwan na naman ang dalawa na nakatingin lang kay Perth habang ito ay paalis na.

"Tsk! gusto lang makita si Saint, gagamitin pang dahilan si Nammon" salita ni Blue habang napapailing nalang.

"Ewan ko ba, paano natin naging kaibigan yang walang pusong estudyante na yan" sagot naman ni Jump. Humugot sya ng malalim na paghinga kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga balikat.


---------------------


Samantalang sa clinic...

Pagkatapos makausap si Perth sunod namang tinawagan ni Saint si Auntie Alisa. Sya ang katiwala ng pamilya Krittanai at syang nag-aalaga kay Nammon habang wala ang mga magulang nito, para ipasundo ang kaibigan. Ng maiayos na ang lahat, ay nag-umpisa na ding magligpit ng kanyang mga gamit si Saint. Dahil sigurado syang, maya maya lang ay dadating na din si Perth para puntahan sila.

"Pagdumating ang susundo sayo, please message me. Don't worry about your car, na inform ko na ang Admin. And.... Ano pa ba?"

"Saint, can I request?"

"Sure. What is it? May kailangan ka ba? May gusto ka ba?"

"Pwede bang..... Pwede bang ikaw nalang ang maghatid saakin pauwi?"

Natigilan bigla si Saint sa kanyang ginagawa ng marinig ang request ng kaibigan. Ang kaninang masayang mukha ay biglang napalitan ng pag-aalala, hindi para sa kaibigang may sakit kung hindi para kay Perth. Sa kung anong mararamdaman at iisipin nito kung papayag sya sa request ni Nammon.

"Nam, narinig mo naman kanina diba? Ihahatid ko si Perth pauwi. And besides, I'm sure on the way na yung driver na magsusundo sayo. Hindi ka na maiinip sa pag aantay dito, don't worry"

TIME MACHINE [BL]  ✔completedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora