TM_50

75 6 0
                                    

Dahil magkatabing natulog, maagang napabangon si Perth sa kanyang masarap na pagkakahiga ng maramdamang wala si Saint sa kanyang tabi. Napabangon siya agad at inikot ang paningin sa paligid para tingnan kung nasaan si Saint.

Hindi naiwasan ni Perth ang hindi mangiti ng makitang ang taong kanyang hinahanap ay busy na pala sa paghanda ng kanilang makakain. Kaya naman dali dali ngunit tahimik na lumapit si Perth mula sa likuran at mahigpit nyang niyakap ni Saint. "Good morning" pagbati ni Perth.

"Oyy" nakangiting reaksyon ni Saint sa biglaang pagyakap ni Perth sakanya. "Good morning. Ang aga mo yatang nagising ngayon? hindi pa ako tapos mag prepare dito" salita naman ni Saint sakanya.

"Paano, hinanap kita. Wala ka sa tabi ko, akala ko iniwan mo na ako" sagot ni Perth, kasabay ng pagsandal ng kanyang ulo sa likod ni Saint.

Hindi naman naiwasan ni Saint ang magtaka, magsalubong ang mga kilay sa ginawa at sinasabing ito ni Perth. Kaya naman, dahan dahan syang humarap sa kapareha, ng hindi sila umalis sa kanilang kinatatayuan. "Tikman mo 'to" , salita nya kasabay ng pagtapat ng isang sandwich na sya mismo ang may gawa sa bibig ni Perth.

Hindi naman nagdalawang isip si Perth, agad nyang kinagat ang ginawang tinapay ni Saint para sa kanya. Habang ngumunguya, ay unti unti ding gumuguhit ang isang masayang ngiti sa kanyang labi.

"Ok ba? Nag complement ba lahat ng inilagay ko? Masarap ba?" pagtatanong ni Saint.

"Masarap!" maikli ngunit masiglang sagot naman ni Perth. Hindi maitatanggi sa kanyang itsura na talagang na enjoy nya ang pagkaing gawa ni Saint para sakanya.

"Perth, pag nagising ka at wala ako sa tabi mo, dalawang bagay lang ang dapat na iisipin mo. May morning class ako at kailangang pumasok o kaya ganito, ginagawan kita ng makakain mo. Ok ba? Malinaw?"

Natawa naman si Perth sa dahilang ito ni Saint, "Opo Sir, malinaw" nangingiti nyang sagot, habang nakadikit na ang kanyang mga kamay sa bewang ni Saint.

Naging masaya ang pasok ng umaga para sa kanilang dalawa, malayong malayo ito sa nangyaring tensyon sa pagitan nilang dalawa  kagabi.

.
.
.

Para tikman ang kanyang ginawang pagkain, kinagat ni Saint ang tinapay. Kukuha pa sana sya ng isa pa para isubo ulit kay Perth, ngunit bigla syang natigilan ng kagatin ni Perth ang kabilang side ng kagat kagat nyang tinapay, na sa laki ng pagkakakagat nito ay nagtama pa ang kanilang mga labi. Saka dahan dahang nginunguya ni Perth ang tinapay sa kanyang bibig habang nangingiting nakatingin ng diretso sakanyang mga mata. 

Hindi naman maiwasan ni Saint na hindi din mangiti sa ginawang ito ni Perth. "Ang sarap pala talaga nitong ginawa mo" salita ni Perth.

"Masarap ka din gumawa ng sandwich. Yung mga pinapadala mo saakin, talagang na e-enjoy ko"

"Talaga? Sa pagkaka-alala ko, parang mas gusto mong kainin yung binibigay ng iba, kesa yung galing saakin" 

"Hala? Kelan? Kelan nangyari yun?" pagtatakang tanong ni Saint. "Pero parang may kulang nga sa mga pagkaing pinapadala mo saakin" dagdag nyang salita. 

"May kulang sa lasa? Matabang? May mga dapat ba akong idagdag? Ano?"

"Hindi ano... Kung hindi, sino" nakangiting salita ni Saint.

"Huh? Bakit sino? Sino ang kulang, ganoon ba?"

"Ikaw kasi ang kulang"

Napaisip bigla si Perth sa mga sinabi ni Saint, napakunot ang kanyang noo at mga kilay. Dahil hindi nya maintindihan ang gustong sabihin ni Saint sakanya.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now