TM_60

70 9 2
                                    

Dahil na din sa tulong ng ilang mga tao sa lugar ay agad na naisugod sa pinaka malapit na ospital sila Perth.

At sa request ni Blue sa mga magulang, nailipat sila Perth sa kanilang ospital para doon operahan at gamutin.

.
.
.
.
.

"Hello Mommy, kamusta kayo?" salita ni Doctor Kaownah ng pumasok ito sa kwarto.

"Ok naman po, Doc. E' yung anak ko po, kamusta na po sya? One week na po ang lumipas pagkatapos ng operasyon ngunit wala pa ding syang malay" mahinahon ngunit ramdam ang pag-aalala sa bawat salita ni Mrs. Tanapon.

"Mommy, huwag po kayong masydong mag-alala, baka kayo naman ang magkasakit nyan. Malakas po ang anak nyo, maganda ang response ng katawan nya, unti unti nading naghihilom ang lahat ng mga sugat. Maaaring kailangan pa ng katawan nya ang mahaba habang pahinga, sooner or later I'm sure gigising na po sya" magandang paliwanag ni Doctor Kaownah.

Si Doctor Kaownah ay isang residence doctor sa Pongthiwat Childrens Medical Hospital - ang hospital ng pamilya Pongthiwat. Simula ng inilipat sila Saint at Perth dito, ay sya na ang humawak at tumingin sa dalawa, dahil na din sa request ni Blue sa mga magulang.

Habang nasa kalagitnaan ng masayang pakikipag kwentuhan kay Mrs. Tanapon, ay biglang dumating ang isang nurse na naghahabol sa kanyang paghinga.

"E-Excuse me, Doc Kaownah. Emergency, kailangan kayo ngayon sa Room 417"

Hindi na nakapag paalam pa ng maayos ang Doktor, dahil agad niyang nakilala ang pasyenteng naroon. Agad naman na ding sumunod ang humangaos pa na nurse, ngunit bago sya makaalis ay nagawa pang makapagtanung ni Patty sakanya.

"Excuse me, Nurse. Pwedeng malaman kung anong nangyari?"

"Cardiac arrest" mabilis na sagot ng nurse, at saka sya dali dali ng umalis.

Hindi naman makapaniwala sila Patty at Mrs. Tanapon sa kanilang narinig. Halos mawalan ng balanse si Mrs. Tanapon dahilan para mapahawak sya sa braso ni Patty, at agad naman syang inalalayan ng anak.

"Si Saint ang nasa Room 417, diba Patty?" pag-aalala niyang tanong.

"Opo Mama, pero malakas po si Saint. Alam kong hindi sya susuko, magigising sila ni kuya. Naniniwala po ako dun" halos maiyak iyak na sagot naman ni Patty sa ina.

*************

"Anong nangyayari?" salita agad ng Doktor, pagpasok sa kwarto ni Saint.

"Doc, cardiac arrest, bumababa na po lahat. Critical na Doc"

"Yung defibrillator kunin nyo na bilis" at saka nag perform ng CPR si Doc Kaownah, habang inaantay ang machine.

.
.
.

Ng malaman nila Auntie Mae at Mr. Suppapong ang nangyari na kasalukuyang papasok palang ng ospital, ay agad silang nagmadali. Bakas sa kanilang mga mukha ang takot sa kung anong pwedeng mangyari kay Saint.

"Nandito na kami, nurse anong nangyari sa anak ko?" salita ni Mr. Suppapong ng makasalubong ang isang nurse na palabas sa kwarto ni Saint.

"Sir, nasa loob pa po si Doc" mahinahon nyang sagot.

Pagkapasok sa loob, ay agad na nag-usap sila Mr. Suppapong at si Doc. Kaownah kasama si Auntie Mae. Ipinaliwanag na ni Dr. Kaownah ang sitwasyon ni Saint na dapat nilang paghandaan.

"Doc, kamusta po ang anak ko?"

"Sa ngayon, ok na po ulit sya"

"Sa ngayon? What do you mean?"

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now