TM_14

88 7 0
                                    

"Perth we're here" Salita ni Saint ng maiayos na maipark ang sasakyan at saka sya bumaba na.

Ngunit napansin ni Saint na hindi manlang kumilos si Perth sa pagkakaupo nito, kaya naman minabuti na nyang buksan ang pinto sa passenger seat, para tingnan si Perth.

"Kaya naman pala, nakatulog ka na, at may suot pang earphone" bulong ni Saint habang pinagmamasdan ang natutulog na si Perth.

Pinagmasdan ni Saint ang maamung mukha ni Perth - mula sa kanyang buhok, pababa sa kanyang ilong, sa mapupulang labi, pababa sa leeg hanggang sa dibdib nito, dahil bukas ang botones ng polo nito hanggang sa ikatlong botones. Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi ni Saint, habang pinagmamasdan ang natutulog na si Perth.

Magaan nyang iginuhit ang kanyang daliri sa noo ni Perth baba sa ilong nito hanggang sa makababa  sa labi nito. Ngunit bago pa nya tuluyang matitigan ng husto ang labi ni Perth ay dumulas ang ulo nito sa sinasandalan dahilan para tuluyan na itong magising. Sa pagkagulat at pagkataranta ni Saint, agad nyang iniangat ang kanyang sarili palabas ngunit umabot ang kanyang ulo sa gilid ng sasakyan, dahilan para sya ay mauntog.

"Aray!"

Tuluyan ng nagising si Perth, inalis nya ang seat belt sa katawan at earphone saka sya bumaba na ng kotse. "Anong nangyari sayo, Saint?"

Napailing lang si Saint habang hawak hawak pa din ang ulo nyang tumama sa gilid ng sasakyan.

"Nasaan tayo? 'Diba dapat sa bar tayo babalik?" pagtatakang tanong ni Perth, habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harap nila ngayon.

"Welcome sa bahay namin" nangingiting salita ni Saint.

"Sa bahay nyo? Bakit dito?"

"Tinatawagan ko si Jump kanina, to check kung nasa bar pa sila kaso hindi na sya sumasagot. Even Thap, he's not answering my call, so I assume baka nakauwi na sila. Kaya dito na kita dinala sa bahay. Don't worry, safe ka naman dito saamin"

"Hindi naman sa ganun, hindi ba nakakahiya sa parents mo? Late na masyado"

"No worries, it's fine. Tara pasok na tayo"

"Sigurado ka ba talaga?"

"Oo nga! Kaya tara na"

Kahit nag aalangan, walang nagawa si Perth kung hindi sumuunod nalang kay Saint sa pagpasok sa loob, mabuti na yun dahil kung hindi maiiwan sya sa labas mag-isa. Pagpasok nila ng pinto, ay may sumalubong sakanila na isang babae na nasa mid-50's ang itsura, at naka damit na ito ng pantulog.

"Auntie Mae?" gulat na salita ni Saint ng makita ang babae na nakaupo sa sofa na may hawak na coffee mug. "Bakit gising pa po kayo?"

"Paano ako makakatulog, e' hindi ka pa nakakauwi. Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing? Anong nangyari sayo? Ngayon ka lang umuwi ng ganitong oras" sunod sunod na tanong ni Auntie Mae kay Saint.

"Sorry Auntie" agad na lumapit si Saint at hinawakan sya sa kanyang kamay. "Kaya pinilit ko ding makauwi na, kasi siguradong nag-aalala na kayo" sabay ikot ni Saint sa likod ni Auntie Mae para yakapin ito.

"Baka naman, nag overspeeding ka?"

"Hindi po. Mabait akong driver, at takot ko lang mapingot nyu ulit" nangingiting salita ni Saint habang patuloy pading nakayakap kay Auntie Mae.

"Ikaw talaga bata ka, alam mo talaga ang kahinaan ko. Nga pala, pwede mo na bang ipakilala saakin itong kasama mo?"

"Ay, oo nga pala... Sorry... Sorry Perth. Nga pala Auntie Mae, ito si Perth kaibigan ko. Perth, ito si Auntie Mae, ang maganda at mabait kong Auntie Mae" pagpapakilala ni Saint.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon