TM_15

109 9 0
                                    

[Perth's POV]

"Ano yun?"

Nasa kalagitnaan ako ng pagkakatulog ng may marinig akong kakaibang tunog. Hindi muna ako kumilos, iginala ko lang muna ang aking paningin sa buong kwarto at pinakinggan ulit ang  tunog.

Sanay akong matulog na may earphone sa tenga. Pinapakalma ako ng music, at sa ganito ding paraan pakiramdam ko hindi ako nag iisa. Kaya ng malobat ang cellphone ko at huminto ang tunog, ito ang dahilan para maging mababaw ang tulog ko. Kunting kilos at ingay nagigising na agad ako.

"Si Saint ba yun?"

Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga at tinanaw ang natutulog na si Saint - at tama nga kay Saint galing ang kakaibang tunog. Agad akong umupo sa kanyang tabi, dahil medyo maliwanag din naman ang paligid, kita ko ang takot sa kanyang mukha habang nanginginig ang kamay habang hawak ang kumot kasabay ng mahihinang salita at butil butil na pawis - binabangungot si Saint.

"Saint gising! Saint!"

Ginigising ko si Saint ngunit walang epekto. Hindi sya nagigising, bagkus nagiging malakas at malinaw lang ang kanyang sinasabi "Mom! Mom! Mom! wake up! Help! Please help us!" paulit ulit nyang sinasabi, hanggang pati ang kanyang luha ay nagsisimula na ding bumagsak.

"Sh*t! anong gagawin ko!"

Natataranta na ako sa nangyayari. Agad akong tumayo at binuksan ang lahat ng ilaw saka bumalik sakanya at niyakap sya ng mahigpit. Ng maramdaman kong umokey na sya, huminto na din sya sa pagsasalita at pag iyak, saka ko lang sya binitawan. At sinimulang punasan ang kanyang pawis sa mukha hanggang sa kanyang leeg.

"Dahil ba sa yakap o dahil maliwanag na? Pero atleast ok ka na" mahina kong salita habang dahan dahan syang pinupunasan. Sinubukan ko ding buksan hanggang sa ikatlong botones ng kanyang damit para maginhawaan sya at saka pinunasan ang kanyang dibdib.

Habang ginagawa 'to napapalunok ako, hindi ko alam bakit parang inaakit ako ng pagkakataon. Sinubukan kong dahan dahang ihawak ang aking daliri sa malambot nyang pisngi, pababa sa kanyang mamula mulang  labi. Hanggang sa inilakad ko pababa ang aking mga daliri sa kanyang makinis na leeg, pinagpatuloy ko ito pababa pa sa kanyang dibdib at saka ko inilapat ang aking palad. Nakaramdaman ako ng init, isang masarap na init na ngayon ko lang naramdaman. Init na dumaloy mula sa aking daliri paakyat sa aking kamay at braso hanggang sa aking buong katawan. Ang init na nakapag pagising din sa aking mahal na kaibigan, oo tama nagising sya, ang kaninang tahimik na nagpapahinga, ngayon ay buhay na buhay na.

"Sh*t! nagising si junior!" salita ko habang nakatingin dito. Kaya dali dali na akong tumayo, bumalik sa pagkakahiga at nagtalokbong ng kumot ulit. Pinagpapawisan pa ako sa nangyayari.
[end of POV]

--------------------

"Auntie Mae, good morning"

Bati ni Saint kay Auntie Mae na makita nya ito sa kusina na nagluluto na ng kanilang aalmusalin.

"Good Morning din" hininto nito pansamantala ang ginagawa para yakapin ng mahigpit si Saint, "ang aga mo yatang bumangon ngayon, nakakapanibago"

"Aalis po kasi kami ni Perth, tutulungan nya akong gawin yung isang project ko"

"Talaga? Mabuti yan. Sana ito na ang simula ng unti unting pagbangon" 

 "Auntie Mae, talaga...Tulungan ko na po kayo dyan"

"Mag-apron ka Saint, nasa gilid ng ref. yung isang apron. Tamang tama magdala ka ng luto ko, madami akong niluto para sayo" salita ni Auntie Mae. "Nga pala, nakatulog ka ba ng maayos? walang ilaw sa kwarto mo kagabi" pag aalalang salita pa nya.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon