TM_09

152 11 0
                                    

"Paano ko kaya makikita si Saint, ngayon?" salita ni Perth sa sarili.

Pumunta si Perth sa Theater program building para hanapin sana ang kaibigan ngunit ilang minuto na syang nasa lobby area ngunit walang Saint syang nakita. Halos ihiga na ni Perth ang buong katawan sa mga upuan habang nag aantay kung sakaling dadaan nga si Saint sa kinaroroonan nya.

Habang iniikot ulit ang paningin sa paligid. May nakita syang pamilyar na mukha, lumabas ito sa isa sa mga pintuan sa dulo ng lobby - ang workshop room.

"Si Nammon yun!" Dali daling tumayo si Perth at nagpalinga lingang pumunta, kung saan nya nakitang lumabas si Nammon. Sinubukan nyang sumilip sa maliit na awang sa may pintuan, ngunit hindi nya pa din makita ng maayos ang mga tao sa loob.

Ngunit pinilit pa ding sumilip ni Perth, ng biglang bumukas ang pinto at eksaktong tumama sa kanyang mukha. "Aray, sh*t!" salita ni Perth, kasabay ng pagbagsak nito sa sahig.

"Nako... Nako... Sorry, bakit ka kasi nandyan?" pag alala naman ng estudyanteng nakatama ng pinto sa mukha ni Perth.

At dali dali sya nitong inalalayan para makatayo. "Wala namang dugo, namumula lang. Hindi ka ba nahihilo? Sorry talaga" dagdag pa nito.

"Masakit lang, pero ayos naman ako" sagot ni Perth habang hawak - hawak ang kanyang noo.

"Mayroon kabang gustong kausapin na nasa loob?" pagtatanong ng estudyante.

"Ay oo nga pala, Pwede bang malaman kung nandyan sa loob si Saint?"

"Si Saint Suppapong ba?"

"Oo, sya nga"

"Nandito sya sa loob, sandali tatawagin para sayo. Saglit lang. At kung pede sana lumayo ka ng kaunti sa pinto, baka madisgrasya ka ulit" nangingiting salita nito kay Perth, at saka sya pumasok ulit sa loob.

"Ano yun? pang-aasar? Tsk! Sya nga itong hindi nag-iingat, ako pa itong pagsasabihan"

Ngunit naisip din ni Perth na tama nga naman ang paalala ng estudyante, mabuting mag-ingat kesa maulit pa. Kaya naman nag lakad muna sya ng ilang hakbang palayo sa pinto. At ilang saglit lang ay may nadinig syang tumawag sa kanyang pangalan.

"Perth!"

"Saint"

"Kamusta ka? Tumama ka daw sa pinto?" pag-alalang tanong ni Saint sabay hawak sa noon ng kaibigan.

"Ayos lang ako. Bakit naman pati yan kinuwento pa nya" nahihiya nyang salita.

"Sigurado ka ba talaga? Gusto mong samahan kita sa clinic ngayon?"

"Saint, 'wag kang mag-alala. Ok lang talaga ako"

"Sige sabi mo yan 'ah. Nga pala, may kailangan ka ba saakin?"

"Ahm... Nakapag lunch ka na ba? Gusto mong maglunch muna?" pagyaya ni Perth sakanya.

"Lunch? Perth kasi, may ginagawa kaming activity ngayon at kailangan na ding matapos. Sorry, next time nalang siguro" sagot ni Saint sa kaibigan

"Ganon ba" salita nito, na may medyo dismayadong tono ng boses.

"Sorry ah. Gusto ko din kumain kasama ka kaso -----"

"oy, ano ka ba, ok lang. Nag baka sakali lang naman ako. Ito nalang may ibibigay nalang ako syo" sabay kuha ng isang plastic ng pagkain at inumin sa kanyang bitbit ng bag. "Ito para sayo, sana tanggapin mo" nakangiting salita ni Perth.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now