TM_22

92 6 0
                                    

Nang dahil sa aksidente, mas naging malapit sa isat't isa sila Perth at Saint. Kahit magkalayo at magkaiba ng Faculty, parati pading nakakagawa ng paraan si Saint para matingnan at masubaybayan si Perth.

Kusang loob na ginagawa ito ni Saint, bilang pangako sa sarili. Natatakot syang baka sa susunod ay hindi na siya umabot para mailigtas si Perth. Natatakot syang magaya ang mga posibleng mangyaring aksidente kay Perth, sa nangyari sa kanyang ina. Kaya naman kahit anong pagpapaliwanag ni Nammon para hindi nya obligahin ang sarili sa mga ganitong mga bagay, ay hindi pa din nagpapigil si Saint sa kanyang gustong gawin.

"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo Saint? Parati mo nalang syang sinusundan, tinitingnan. Malaki na si Perth, hindi na nya kailangan ng yaya" salita ni Nammon.

"Nam, kilala mo ko, hindi ko naman gagawin ito ng walang dahilan. At saka hindi ako napapagod, ayos lang saakin. Wala naman sigurong masama sa ginagawa kong pagtingin sakanya"

"Ganyan mo ba talaga sya ka-gusto? Sobra sobra na yang effort mo, madami namang ibang tao na nasa paligid nya ang pwedeng gumawa ng ginagawa mo. Hindi mo kailangang obligahin ang sarili mo para lang dyan"

"Nam, wag na nating pagtalunan ito. Sinabi ko na sayo, nag explain na ako, gusto ko 'tong ginagawa ko, gusto ko syang nakikita araw araw.... Mauna na ako, sa classroom na tayo magkita" salita ni Saint kasabay ng pagbitbit ng kanyang gamit, at diretsong umalis.

"Ano bang nakita mo sa Perth na yun at unti unti ka ng nagbabago, Saint? Anong merun sya na wala ako, bakit parati nalang sya ang nakikita mo" salita ni Nammon sa hangin habang pinagmamasdan si Saint na naglalakad papalayo sakanya.

Araw araw nakikipag usap si Saint kay Perth para makakuha ng update sa kung anong gagawin nito, kung saan pupunta, sinong kasama at ang schedule nya sa buong araw. Sa mga unang araw, nanibago si Perth sa lahat ng ito dahil hindi sya sanay na may nagbabantay sa kanyang mga kilos. Ngunit ng maintindihan nito ng husto ang magandang rason ni Saint ay pinilit nya na ang sariling masanay sa ganitong pagbabago.

Dahil unti unti nasasanay at nagugustuhan na din ni Perth ang ganitong ginagawa ni Saint para sakanya, ang pakikipag usap sa isa't isa ang nagiging umpisa  at tatapos sa kanilang buong maghapon.

"Perth? bakit ka nandito? nagtatakang tanong ni Jump.

"Bakit masama ba? parating kayo nalang ni Blue ang magkasama" sagot naman nya.

"Wow! kung makapag reklamo ka, parang iniiwan ka namin. Ipapaalala ko lang sayo, ikaw 'tong nkakalimot pag magkasama kayo ni Saint" naiinis na sagot ni Jump.

"Speaking of Saint? Hindi mo ba sya kasama?" pagtatanong naman ni Blue.

"Hindi, may tatapusin daw sila ngayon" sagot naman ni Perth.

"Ay! Kaya pala, kami ang pinuntahan mo. Wala ang bago mong partner"

"Jump, tumigil ka na nga. Kumain ka nalang dyan" salita ni Blue. "Ito Perth, inumin mo. Pampawala ng init ng ulo" nangingiti nya pang salita.

"Bakit? sinong mainit ang ulo. Tsk!" sabay inom ng inumin na iniabot ng kaibigan.

Sabay namang nagkatingin na may pigil na tawa ang magkaibigang Blue at Jump dahil sa naging reaksyon ni Perth.

Habang patuloy na kumakain, hindi sinasadyang marinig nila Perth ang usapan ng ilang babaeng estudyante na nasa kabilang lamesa. Pinag uusapan nila ang isang ComArts student - si Saint.

"Sissy... OMG! as in super O-M-G!"
"Anong meron, girl?"
"Saint will be joining for the demonstration! OMG!"
"Really? Girl, chance na 'to para makipagkilala sakanya"
"Yaah girl. Dapat mapansin nya tayo mamaya. Im so excited" 
"Im pretty sure mapapansin nya ako, hindi ko lang alam sainyo"
"Talaga ba girl? Im sure, Im the lucky one"
"We all know Saint is single, but after this activity, gusto kong maging akin  na sya"
"Basta ako, ok na ako kay Nammon. Cute din kaya sya"
At sabay sabay ng tumayo ang mga babae at naglakad paalis.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now