TM_19

103 5 0
                                    

"Blue, sandali lang"

"Title? bakit? . Nga pala, salamat at pumayag kayong sumama  dito saamin ngayon. Ang galing nyo kanina ni Thap, nag-enjoy kaming lahat, lalo na yung mga bata"

"Ganun ba, wala yun. Maiba naman ang environment, at tsaka nag enjoy din ako"

"Mabuti naman at nag enjoy ka. Nga pala, may sasabihin ka ba saakin?"

"Ay oo nga pala, sa tingin ko mali na pumayag kang uminom ang lahat dito. Delikado, sa pag uwi"

"Pag-uwi? Hindi ba kayo sinabihan ni Perth na mag o-overnight tayo dito ngayon?"

"Overnight?" pagtatakang tanong naman ni Nammon ng madinig ang kanilang pinag uusapan.

"Oo overnight. May mga kwarto sa itaas, pwede kayong mag stay doon at bukas na tayo sabay sabay na uuwi. About sa dinner dadating na yung inorder na pagkain, maya maya lang"

"Walang binanggit si Saint tungkol sa overnight" sagot ni Nammon.

"Yes? anong meeting ito?" pag singit bigla ni Jump sa usapan ng mga kaibigan.

"Mukhang hindi nabanggit ni Perth sakanila na mag o-overnight tayo dito ngayon" salita ni Blue.

"Talaga? imposible naman yata, kasi si Saint alam nya. Baka nakalimutan nya lang na banggitin sainyo" salita naman ni Jump.

"Alam ni Saint?" pagtatakang tanong ni Nammon.

"Oo, nag request pa nga sya saakin na gusto nyang ka roomamate si Perth" 

"Ano?! Sila ni Perth?"

"Oo, may problema ba? At kayong tatlo naman, kasama si Thap, ay sa iisang kwarto. Don't worry, good for three person talaga yung room na assign sainyo, kaya hindi masikip. Yung keycard, kukunin nyo kay Ms. Beautiful receptionist" pagpatuloy na paliwanag ni Jump.

Nakangiti namang sumang-ayon si Blue sa paliwanag ng kaibigan. Ngunit bakas sa mukha ni Nammon ang pagka dismaya sa narinig, hindi nya naisip na makakalimutan itong sabihin sakanya ni Saint at higit sa lahat nag request pa ito na si Perth ang gustong maging roommate.

Sanay si Nammon na sya ang priority ni Saint sa lahat ng bagay, ni hindi nga ito nakakapag desisyon pag wala syang maibigay na opinyon. Ngunit pakiramdam nya ngayon, unti unti ng nag iiba si Saint, may mga bagay na itong ginagawa dahil kay Perth at hindi nya iyon maintindihan.

Maya maya pa ay masayang nagkainan sa isang mahabang lamesa ang lahat. Magkakalapit sa lamesa sila Title, Saint, Nammon at ang ilang mga babaeng kasama nila, samantalang nasa kabilang dulo naman magkakasama sila Thap, Jump, Blue at Perth.

"Mabuti naman Thap, at kami naman ang naisipan mong samahan" salita ni Jump, habang patuloy sa pag nguya.

"Huh? Bakit naman? Hindi ko na ba kayo nasasamahan?"

"Hindi na! Puro ka nalang Title, Title, Title. Ano bang merun sainyo ng Title na yun? Baka nga sa susunod itong si Perth naman na ang humiwalay na, hindi ba kayo naaawa saamin ni Blue, ang lungkot na namin" pag dradrama ni Jump, na sinang ayunan naman ni Blue.

"Ewan ko sainyo, Jump! Saan mo naman nakuha yang mga sinasabi mo? Bakit naman ako aalis?" salita ni Perth.

"Sigurado ka? anong merun sainyo ni Saint?" tanong ni Jump.

"Huh?" natigilan bigla si Perth, sabay lingon kay Saint. Na nagkataon namang nakatingin din sakanya ng mga sandaling yun.



"Ano Saint? sagutin mo, anong merun sainyo ni Perth?" nangingising tanong ni Title.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin