TM_08

151 14 0
                                    

Dahil may bakanteng oras pa bago ang susunod na klase, nag aral muna mag-isa si Perth para sa kanilang evaluation test bukas sa English subject nila. Ngunit tulad ng mga nakaraang araw, hirap pa din talaga si Perth na maintindihan ito mag-isa.

"English subject pa din ba?"

Napalingon agad si Perth sa kanyang likuran, para malaman kung sino ang nagsalita.

"Saint? Anong ginagawa mo dito?" pagtatanung nito

"Ikaw talaga ang sadya ko" nakangiti nitong sagot

"Ako? Kailangan mo? Bakit naman?" pagtatakang tanong naman ni Perth.

"Para maibigay ko ito sayo" sabay abot ng isang lecture notes.

Na agad namang kinuha ni Perth, at ng makita kung para saan naman ito. Habang patuloy na ini-is-scan ang notebook, umupo naman si Saint sa tabi ni Perth at saka nito inilabas ang kanyang ballpen.

"Ayos ba?" pagtatanong ni Saint

"Sandali, sinulat mo 'to? ginawa mo 'to para saakin?" nagtatakang tanong ni Perth sa kaibigan.

"Oo naman. Ginawa ko yan para mas madali mung maintindihan yung mga topics. Pero don't get me wrong, ganyan din kasi ako pag nag-aaral para sa exam namin, kaya sana makatulong din sayo yung paraan ng pag re-review ko " pagpapaliwanag ni Saint sakanya.

Unti unti namang gumuguhit sa labi ni Perth ang isang magandang ngiti habang nakikinig sa mga sinasabi ni Saint.

"Nag-effort ka pa talaga, hindi naman kailangan"

" 'E 'diba sabi mo last time, gusto mong pumasa, kaya ito. Gusto ko lang sanang makatulong sayo" nahihiyang salit ni Saint

"Bakit ikaw ang nahihiya? 'e ako itong tinutulungan mo. Thank you para dito Saint, malaking bagay ito para saakin" masayang salita ni Perth

"So, simulan na nating mag-aral ng English"

Hindi lang basta ibinigay ni Saint ang ginawang reviewer kay Perth, naglaan din sya ng oras sa kaibigan para mai explain  ng maayos ang laman ng reviewer, upang madali nitong maintindihan. 

Habang tinuturuan sya ni Saint, hindi naman mapigilan ni Perth na sumulyap sulyap sa mukha nito; sa makinis at maputi nitong pisngi, sa matangos na ilong at mapulang labi.

Halos hindi na makapag concentrate si Perth sa pagtuturo ni Saint dahil mas binibigyan nya ng atensyon ang bawat buka ng labi nito.

"Perth?"

"Huh?"

"Wala dito sa mukha ko ang reviewer, nandito sa papel na nasa harap natin" nakangiting salita ni Saint.

Natawa at napakamot nalang si Perth sa mga sinabi ni Saint. "Sorry, pero promise, nakikinig ako sayo... Nga pala, may next na klase pa ako, ikaw ba?" pag iba ni Perth sa usapan

"Mayroon din" maikling sagot naman ni Saint

"Tara na, ako na bahala dito sa reviewer. Mag-aaral akong mag-isa"

"Sigurado ka? Akala ko ba nahihirapan ka?" pagtataka ni Saint.

"May tiwala ako sa reviewer na ginawa mo para saakin" nakangiting sagot ni Perth, sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

"Ok, sabi mo yan. Pwede bang I-update mo nalang ako sa magiging result ng  exam mo. Mauuna na ako" pagpapaalam ni Saint at saka naglakad na pabalik ng kanilang faculty building.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن