TM_33

78 8 2
                                    

Paglipas ng ilang araw, ako na mismo ang nakakapansin na sumisipag na mag aral ang batang Perth. Nakikisama na ito sa mga group study na mga kaibigan at kaklase. Nagpupuyat na din ito para matapos ang kanyang report. 

"Naging ganito ba ako kasipag mag aral noon?" tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang batang Perth na busy sa pagbabasa ng kanilang report para bukas habang nag e-enjoy din sa pag inom ng mainit na kape. "Pero parang hindi ko naman maalalang tumaas ang grades ko, ni minsan" nangingisi kong salita. 

Kung nalaman lang ni Mama na naging masipag akong mag aral, sigurado akong magiging proud saakin yun at ikaiinggit naman ng makulit kong kapatid ito. 

Kaya naman habang busy ang batang Perth sa kanyang ginagawa, ako ito  nakaupo sa tabi nya habang sinasabayan sya sa pag inom ng paborito naming mainit na kape. 

_
_
_
_
_

Abala ang magkakaibigang Perth, Jump at Blue na gumagawa ng kanilang mga assignment habang nasa cafeteria. 

"Haaaay!" biglang sigaw ni Jump, kasabay ng pag gulo ng kanyang buhok. 

"Anong nangyayari sayo dyan?" pagtatanong naman ni Blue. 

"Ang hirap kasi. Bakit ba kasi nag papa assignment ng mga mahihirap na problems pero ang example lang na itinuturo ay puro madadali. Ang unfair nila, sila kaya dito!" pag rereklamo ni Jump. 

Ngunit imbes na makarinig ng suporta galing sa mga kaibigan, magkasabay na batok ang kanyang natanggap. 

"Aray naman!" 

"Tama lang yan. Para naman maalog ang utak mo, yung pinkamadali na nga ang napunta sayo, hindi mo pa din nasasagutan" salita ni Perth sakanya. 

"L*ngya, bakit ikaw? natapos muna ang  sayo?" 

"Syempre ako pa" sagot ni Perth sabay abot ng kanyang lecture notes sa mga kaibigan. 

"Wow! iba ka na Perth. Ang sipag mo na yata ngayon?  At sino naman ang dahilan ng pagiging masipag mo, sige nga?" Nangingiting tanong ni Blue. 

Ngunit imbes na sumagot ay napangiti nalang ito sa mga kaibigan, at bumalik na ulit sa pagsusulat, At dahil hindi si Jump ang tipo ng kaibigan na palalagpasin ang mga ganitong bagay, kaya naman gumagawa sya ng paraam para may makuha syang sagot.

"Siguro... Siguro si Saint ang dahilan nuh?" patuloy na pangungulit ni Jump.

Ng marinig ang pangalan ni Saint, ay natigilan sa pagsusulat si Perth. Hindi na sya nakatiis na sagutin ang makullit na kaibigan, "Lahat nalang ba tungkol kay Saint? Magkaibigan lang din naman kami nun, at tsaka mabait lang talaga sya, kaya lagi nya akong sinasamahan. Hindi katulad nyo, lalo ka na Jump"

"Wow talaga ba? buhat na buhat mo si Saint. Siguro nilibre ka nya tapos hindi mo kami sinama, aminin mo!" salita ni Jump, sabay turo kay Perth gamit ang kanyang hawak na ballpen at hindi naman napigilan ni Perth ang matawa dahil dun. Ngunit iba naman ang naging reaksyon ni Blue, hinawakan nya ang noo ni Perth, sabay hawak din sa kanyang noo, ganuon din sa bandang leeg.

"Anong ginagawa mo?" pagtatakang tanong ni Perth.

"Hndi ka naman nilalagat, walang sakit, mukha ka namang normal. Pero himala Perth, nagpaliwanag ka, hindi ka naman ganyan dati. Usually pag inaasar ka sa mga babae, puro ka lang ngiti pero pag kay Saint, may baon kang paliwanag" salita ni Blue sa kanila.

"Oh diba, diba,  hindi ka naman kasi ganyan dati...  Ibig sabihin, tama ang pag amoy ko, there's something fishy" pag sang-ayon naman ni Jump.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now