TM_12

123 10 0
                                    

Habang patuloy sa pagyakap sa kanyang unan, ay patuloy din sa pag buntong hininga si Perth. Umaasa pa din syang maiisip ni Saint na tawagan manlang sya.

Hindi pa nagtatagal ay muling tumunog ang kanyang cellphone. Dahil unregistered number na naman, isa lang ang naiisip ni Perth na tumatawag.

"Hindi ka ba titigil sa pangungulit mo? matulog ka na kaya!"

"Huh? Perth ikaw ba 'to? si Saint 'to"

"Saint?" agad na napatayo si Perth sa kanyang pagkakahiga ng madinig ang pangalan ni Saint.

"Oo. Sorry kung naisturbo pa kita" salita pa ni Saint.

"Hindi. Pasensya na, akala ko kasi si Jump, huwag mo nalang intindihin ang sinabi ko" patawa tawang salita ni Perth. "Kauuwi mo lang ba? Ok ka naman ba?" dagdag pa nya.

"Oo naman, salamat sa concern. Tumawag ako, dahil sabi mo mag update ako sayo. At baka kasi inaantay mo yung tawag ko" sagot naman ni Saint.

"Inaantay? ahmm. hindi naman, sa totoo nga patulog na din ako" at saka sya nagkunyaring naghikab ng malakas para madinig sa kabilang linya.

"Oo nga naman, bakit ko ba iniisip na mag aantay ka" natatawang sagot naman ni Saint. "So, sige yun lang, matulog kana. Past 12AM na din. Bye Perth"

"Saint sandali"

"Bakit?"

"Masaya ako dahil hindi mo ko nakalimutang sabihan. Salamat din at safe kang nakauwi. Goodnight Saint, sweetdreams"

Ng matapos ang kanilang usapan ay unti unting nakulayan ng masayang awra ang mukha ni Perth. Hindi maitago ang kanyang tuwa ng madinig ang boses ni Saint. Halos hindi bitawan ni Perth ang kanyang cellphone dahil sa pagtitig nito sa nag registered na number - ang number ni Saint.

"Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito pag dating sayo, Saint. Sumasaya ako pag nakikita at nakakausap kita, komportable ako pag ikaw ang kasama. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko pag barkada ang kasama. Kung ano man 'to...... gusto kong maramdaman ito araw araw" salita ni Perth sa sarili, habang patuloy ang pagtingin sa kanyang cellphone.

_
_
_
_
_
_

Nangingiti akong pinag mamasdan ang batang Perth, sobrang kinikilig ang loko. Napapailing na lang ako. Hindi ko akalain na ganyan pala ang itsura ko ng araw na yun, daig ko pa ang clown sa lapad ng ngiti, at bulateng nilagyan ng asin.

Nakakatawa man atleast totoong masaya sya, alam nya kung ano ang magpapasaya sakanya. Samantalang ako, ito padin, walang alam sa kung anong nangyayari sa sarili. Hindi ko manlang alam kung bakit ako nandito o anong kailangan ko dito. Ilang buwan na ang lumipas ngunit wala pa ding sagot, kakasanayan ko nalang bang nandito ako? ano bang dapat kung gawin? anong kailangan kong malaman para makaalis na ako dito, at makabalik sa kung saan ako naroroon dapat.

Habang mas tumatagal, mas lalo akong naguguluhan sa aking sarili, sa nararamdaman ko, lalo na't pag nasa paligid si Saint. Parang nais ko nalang na isang tabi ang galit, at yakapin nalang sya ng mahigpit. Hindi ko na alam.

---------------------

Magkasamang naglalakd pauwi ng school dorm sila Perth at Blue, dahil may tatapusing group report makikitulog muna si Blue sa mga kaibigan para tapusin ito.

Habang naglalakad palabas ng university, kausap ni Blue ang kapatid nyang si Tul. Nakakunot na ang noo at tumataas na din ang boses nya habang patuloy na nakikipag usap sa kapatid; mukhang hindi maganda ang kanilang nagiging pag uusap.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora