TM_47

66 6 0
                                    

"Ang aga aga nya naman akong pinapapunta dito. Mabuti nalang maagang nag dismiss ng klase ngayon" salita ni Perth habang naglalakad papunta sa auditorium, habang bitbit ang ginawa nyang sandwich para kay Saint. Dahil ilang araw ng hindi natutulog si Perth sa condo ni Saint, ang pag gawa ng pagkain ng kanyang boyfriend ang naisip ni Perth na gawin para makabawi.

Pagdating sa auditorium, sumilip muna si Perth sa nakabukas na pinto at paunti unti naglakad papasok.  Ng mapansin nyang wala ni isang tao pa ang naroon, ay saka nya kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon para tawagan sana si Saint. Ngunit bago pa nya nagawa iyun, ay may kung sinong humila sa kanya at dinala sya sa isang gilid.

"Oy! Sandali, ano ba!  Sino ka ---- . . . .  Saint?" gulat nitong salita.

"Sssshhh. Huwag kang maingay baka may makarinig saatin, naka bukas pa naman ang pinto" bulong naman nito.

Halos hindi naman makakilos si Perth dahil sa pagkakakulong nya sa mga braso ni Saint. Makakakita sa kanyang mukha ang kaba dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

"Sandali lang, Saint. May CCTV dito, baka makita tayo sa camera" pag-aalalang salita ni Perth.

"Ayaw mo yun, everyone will know that I'm no longer available" nakangiting sagot naman ni Saint habang nakatitig sa mga mata ni Perth. Na halos ilang pulgada lang ang  pagitan ng kanilang mga mukha sa isa't isa.

"Saint. Hindi ako nagbibiro. Magiging problema mo 'to pagnalaman ng lahat. Baka makita sa admin na may ginagawa tayo" salita ni Perth, habang pinipigil si Saint sa patuloy na pagdikit ng kanyang katawan.

"Perth... Relax. Hindi naman ako gagawa ng bagay na ikaka-worry mo. Blind spot itong side na 'to and tayo palang naman ang nandito ngayon. Kaya we're both safe" bulong ni Saint. At unti unti ng dumidikit ang kanyang noo, sa noo ni Perth. At ang kanilang ilong ay halos isang pulgada nalang ang pagitan.

"Pero Saint?"

"Perth, trust me. Wala akong gagawin na ikakapahamak natin. Pagbigyan mo na ako, i really miss you" mahinang salita ni Saint. Kasabay ng unti-unting pagtama ng kanilang mga ilong at paglapat ng kanyang labi sa labi ni Perth. Ang palitan nila ng mga matatamis, malalagkit at maiinit na halik ay nagbibigay sa bawat isa sa kanila ng lakas at kakaibang sigla na umiikot sa kanilang buong katawan. At nauwi ang pananabik nila sa isa't-isa sa isang mahigpit na yakap. 


----------------------


 "Sigurado ka bang pwede tayong pumunta ng maaga doon? Hindi ba dapat, mamaya pa naka schedule ang rehearsal nyo?" Pagtatanong ni Title kay Nammon, habang naglalakad papuntang auditorium. 

"Makakapag record tayo ng maayos dahil wala pang tao. Don't worry, walang naka schedule ngayong umaga" sagot naman ni Nammon sa kaibigan. 

"Naunang pumasok si Nammon sa auditorium, dire diretso syang tumuloy sa loob ng makitang bukas ang pinto. Ngunit hindi pa sya tuluyang nakakatuloy ay agad na syang natigilan sa paghakbang. Para syang napako sa kanyang kinatatayuan, na para bang dumikit ang kanyang sapatos sa sahig, at nakaramdam ng kakaibang panlalamig sa buong katawan na para bang pansamantalang huminto sa pagtibok ang kanyang puso at nakalimutang huminga. 

Hanggang sa nakita nya na lang ang kanyang sarili na nakaupo sa  cafeteria, may isang bote ng tubig ang nasa kanyang harapan habang nasa tabi naman ang kaibigang si Title na busy sa paglalaro sa kanyang cellphone. 

Ng matauhan, agad na hinawakan ni Nammon ang kanyang dibdib dahil sa kirot na kanyang nararamdaman. 

"Ok ka na ba? Uminom ka muna ng tubig" Salita ni Title habang abala pa din sa pag-lalaro. 

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now