TM_07

195 16 0
                                    

"Kailangan na natin matapos 'to until this Friday, para rest day tayo ng weekend. Kakayanin naman 'diba Perth?" salita ni Jump habang isa isang tinitingnan ang mga printed copy ng report nila. Ngunit napansin nyang wala sakanya ang atensyon ng kaibigan, ng sundan nya ang tingin nito, sa isang estudyante pala na malapit sakanila ito naka focus.

"Hoy! Perth!" sabay hampas ng kanyang kamay sa lamesa

"Oy,! ano ba yun?! nakakagulat ka naman. Nakikinig ako, yung report? oo, tama" biglang sagot naman ni Perth sakanya.

"Tama . . . Tama . . . Tatamaan ka talaga saakin 'e. Bakit hindi ka nakikinig ng maayos, kung kani kanino ka nakatingin" naiinis na salita naman ni Jump

"Easy lang kasi, kalma lang. Matatapos din natin yan"

"Alam mo kalmado naman ako kanina habang nagpapaliwanag sayo, pero sa dami ng sinabi ko may naalala ka ba?"

"Ako? Oo! Friday, restday, tapos . . . tama yun" natatawang sagot naman ni Perth

"Kita muna! Nakaka highblood ka!" inis na salita nito sa kaibigan.

"Pasensya na, nakikinig talaga ako..." pangisi ngising nitong sagot

"Sino ba kasi yung tinitingnan mo?" at saka nya nilingon ulit sa direksyon kung saan nakatingin si Perth kanina pa. "Kay Saint? Sakanya?"

"Kilala mo si Saint? pagtatakang tanong ni Perth.

"Oo naman. Kilala si Saint sa Faculty ng ComArts, bukod sa popular sa mga girls kasama din sya sa top student ng faculty nila" pagpapaliwanag ni Jump sa kanya.

"Wow! Nag research ka talaga tungkol sakanya? idol mo?" natatawang sagot naman ni Perth "ako kasi..... nakikita ko lang sya dito sa university, yun lang" pagdugtong pa nya. Hindi na nya sinabi pa sa kaibigan ang nangyaring pagtulong ni Saint sakanya noong nakaraan, dahil sigurado syang pagtatawanan lang sya nito.

"Seryoso? Hindi mo sya kilala?" Pag uulit na tanong ni Jump, samantalang pagtaas lang ng balikat ang naging sagot ni Perth sakanya, para sabihing hindi nya talaga ito kilala.

"Kaibigan ka ba talaga namin? Tsk. Si Saint at si Thap mag pinsan"

"Si Thap? Yung kaibigan nating si Thap? Talaga? pagtatakang tanong ni Perth

"Pwedeng magulat pero huwag OA, ok? At oo,mag pinsan sila. Nakakainis ka naman, hindi ka updated sa mga kamag anakan ng mga kaibigan mo" nakakunot na ang noo ni Jump habang nag sasalita.

"At saka, huwag mong sabihin na hindi mo din alam na sya ang ----- hindi na natapos pa ni Jump ang sasabihin dahil dumating na si Blue na kanina pa din nila inaantay.

"Guys! Sorry late ako. Kanina pa kayo?"

"Oo naman, Sir! Ang tagal mo naman, tanghali ka naman nagising nuh? Tara na! sagot ni Perth sakanya.

-------------------

Pagtapos ng kanilang klase, nauna ng pumunta si Perth sa library para makahanap ng maayos na lugar para sakanila. Samantalang sila Jump at Blue naman ay may kailangan pang daanan bago pumunta sa library.

Agad na naghanap ng magandang lugar si Perth, pag sinabing magandang lugar; ay dapat malapit sa mga bookshelf para madaling kumuha ng libro, ngunit hindi gaanong dinadaanan ng ibang mga estudyante at higit sa lahat malapit sa malakas na airconditioning. Matapos nyang makalkula ang tamang pwesto ay agad nya na itong pinuntahan.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedWhere stories live. Discover now