TM_24

83 7 0
                                    

Hindi na sinagot ni Saint ang tanong ni Perth. Tumayo ito mula sa pagkakahiga at inihanda na ang kanyang tutulugan. Tulad ng una, ganoon pa din ang set-up nila sa pagtulog, si Perth ang nasa kama at si Saint ang nasa sahig.

Ng maiayos na ang hihigaan, nahiga na agad si Saint; nakapatong ang kanyang kanang kamay sa kanyang noo at nakayakap naman sa unan na nakapatong sa kanyang tiyan ang kaliwang kamay  nito.

"Perth, ikaw nalang ulit ang magpatay ng ilaw. Good night"

"Hayaan nalang natin na nakabukas ang mga ilaw. Basta may music akong pinakikinggan, maliwanag man o hindi, makakatulog pa din ako. 'Wag mo akong isipin"

Hindi na  sumagot pa si Saint, bagkus ipinikit na nya ang kanyang mga mata para makatulog na.

Kalahating oras, isang oras .... ang lumipas ngunit hindi pa din makatulog si Saint. Patuloy na tumatakbo sa kanyang isipan ang mga naiwang tanong ni Perth kanina. Gusto niyang ipaliwanag kay Perth ang lahat ngunit natatakot naman sya na baka biglang magbago ang tingin ni Perth sakanya.

Bumangon mula sa pagkakahiga si Saint, umupo ito at isinandal ang likod sa kama. At saka nilingon si Perth, pinagmamasdan niya ito habang natutulog. "I dont wan't to disappoint you, pag na realize mong hindi ako cool na tao" bulong ni Saint sa kanyang isipan.

Habang pinagmamasdan ang natutulog na kaibigan, naisipan na ni Saint na alisin na ang earphone na nakasuot sa magkabilang tenga ni Perth. Dahil mukhang malalim na ang tulog nito.

Napatitig si Saint sa mukha ni Perth. Nagpalipat lipat ang kanyang tingin sa buong mukha ni Perth, hanggang sa mapahinto ito sa mapulang labi nito.

"Ang ganda ng labi mo, sana mabigyan ako ng chance na mahawakan at madampian yan. Attracted na ako sayo, ay hindi, gusto na talaga Perth. Hindi ko alam kung anong gayuma ang binigay mo saakin, para umabot sa ganito ang nararamdanan ko para sayo.... Pero, posible bang magustuhan mo din ako? Pagnalaman mo ang buong kwento ko, baka ma disappoint ka lang saakin" mahinang salita ni Saint.

Inalis na ni Saint ang pagkakatitig kay Perth, inayos ang upo sa sahig at muling isinandal sa gilid kama ang sarili.

Ilang taon na ang lumipas ng nangyari ang pangyayaring yuon sa kanilang pamilya, ngunit ang sugat at alaala ay sariwa at malinaw na malinaw pa sakanyang isipan. Kaya naman nakatali pa din si Saint sa sakit at takot ng nakaraan.

"Hanggang ngayon hindi ko maalis ang takot ko sa kulob at madidilim na lugar, natatakot ako na baka may mamatay na naman ng dahil saakin. I stop celebrating birthday, dahil hindi ko alam kong paano ngingiti sa araw ng pagkamatay ni Mommy" pagpapatuloy ni Saint.

Ng mailabas ang tunay na nararamdaman, hanggang sa tuluyang tumigil ang pagpatak ng mga luha. Bumalik na sa pagkakahiga ulit si Saint, habang mahigpit ang pagakakayakap sa kanyang  unan.

_
_
_
_
_

Nakasandal ako sa pader habang nakaupo sa sahig at nakaharap kay Saint, habang pinakikinggan ang lahat ng kanyang mga sinabi. Kwentong ilang ulit ko ng nadinig ngunit palagi pading nagpapabagsak sa aking mga luha. Alam kong takot sa madilim na lugar si Saint, trauma na gawa ng kahapon. Ngunit ako na boyfriend ni Saint, walang alam kung gaano siya nahihirapan. Bakit, hindi ko ba inalam? Hindi ko manlang ba nahalata? Hindi ko maalalang pinag usapan namin ang tungkol dito. Wala manlang akong nagawa para malabanan ni Saint ang takot na ito?

Ano ba ang nagawa ko para sakanya? Mayroon  ba?

Dahan dahan akong lumapit kay Saint, humiga na nakaharap sakanya. Hinawi ko ng kaunti ang kanyang buhok at tinitigan ang kanyang mukha habang nag fla-flashback sa aking isipan ang mga hindi magagandang nangyari saaming dalawa.

TIME MACHINE [BL]  ✔completedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant