TM_06

232 15 0
                                    

"Nasaan na kaya sya?" sabay lingon ko sa buong paligid

"Ako ba ang hinahanap mo?"

Dahil sa pag kagulat napa atras si Perth, kaya naman muntik na syang mawalan ng balanse at matumba. Mabuti nalang at nahawakan sya nito sa kanyang braso. Ngunit dahil sa malaki nitong sugat dahil sa naunang disgrasya kanina, ininda nya ang mahigpit na pagkakahawak nito sakanya.

"Aray! masakit" nangingiwi nyang salita.

"Bakit? Bakit ka may dugo?" pag aalala nyang tanong.

"Wala . . . wala. Ayos lang yan, maliit na sugat lang naman" sabay hila ng kanyang braso "Nga pala, hinahanap kita para sana isuli itong ID mo. Nahulog mo ito kanina, nung tinulungan mo ako, naalala mo pa?" salita ni Perth

"Thank you para dito" sabay kuha ng ID "pero hindi pwedeng baliwalain lang yang sugat mo, dumudugo. Pumunta na tayo sa clinic" pagpupumilit nito

"Hindi na. Ayos lang talaga ako, ayaw ko namang maabala ka pa. Ako ng bahala" nakangiti naman nyang sagot

"Fine! Ako nalang ang maglilinis at gagamot ng sugat mong yan. Tara sa cafeteria para makaupo ka ng maayos. At kung pwede lang sana, 'wag ka ng tumanggi, please?"

Hindi na kumibo pa si Perth at sumang-ayon nalang sa sinabi ng kasama. Hinawakan din sya nito sa kanyang kamay para talagang sumama sya papunta sa cafeteria.

-

-

-

-

"Nice! Napatiklop ang makulit na bata. Bukod talaga kay Mama, sya lang ang kayang magpatahimik saatin, batang Perth" Napapangiti nalang ako habang pinapanood silang magkasama.

_
_
_
_
_


Pagdating sa cafeteria, inasikaso agad nya ang sugat ni Perth. Habang pinupunasan, napapapikit si Perth sa hapdi ng kanyang sugat. Kaya naman sinasabayan nya ito ng paghipan para makabawas ng kahit kaunting sakit sa pakiramdam ni Perth.

Dahil sa ginagawa nyang ito, hindi naman maiwasan ni Perth na humanga sa kanya - hindi sila lubos na magkakilala, hindi pa din ganoon na magkaibigan, nabigyan lang ng simpleng pagkakataong magkausap ngunit sobra - sobra naman ang ginagawa nito para sakanya.

"Dahil wala akong bandage, itong panyo ko na lang muna. Don't worry malinis naman ito" salita nya habang tinutupi ng maayos ang panyo para maging bandage

"Hindi na kailangan ng ganyan, ayos ng ganito" nahihiyang sagot naman ni Perth

"Pwede ba, puro ka hindi. 'e kailangan nga. I-relax mo yung braso mo, mabilis lang 'to. Ayan, ok na" masaya nitong salita



"Bakit mo ito ginagawa?"

"Bakit mo ito ginagawa?" pagsabay ko sa tanong ng batang Perth. Hindi ko alam paano ko nasabayan ang pagtatanong nya, basta ang alam ko lang gusto ko ding itanung yun sakanya.

_
_
_
_

Imbes na sumagot agad ay inuna muna nitong iligpit ang mga gamit at saka iniabot ang kanyang kamay kay Perth.

"Ako nga pala si Saint, ComArts student. Nice meeting you" nakangiting salita nya.

-

-

-

-

Bakit ganito ang nararamdaman ko? bakit sobrang lakas at bilis na kabog ng dibdib ko? Wala akong ibang naririnig kung hindi ito lang - ang bawat tibok ng puso ko. Sa batang Perth sya nakikipagkilala, nakikipagkamay at nakangiti ng ganyan kaganda ngunit bakit nakakaramdam ako ng ganito?

TIME MACHINE [BL]  ✔completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن