"Si Laze?" Tanong ko kaagad.

"Nasaan si Laze? Ligtas ba siya?" Kwestyon ko, hinanap siya ng mata ko ngunit ng hindi ko siya makita ay kinabahan ako.

"Jem? May alam ka na ba?" Kwestyon ko.

"At the moment Miran, hinahanap rin nila ang mga kasama niyo sa yate." Nanlumo ako at nasapo ang mukha.

"Wala pa si Laze?"

"Hindi pa siya nahahanap? Wala pang anuman na reports?" Umiling si Jem kaya naiiyak akong nagmaktol.

"Dadalhin ka na namin sa ospital sa Palawan, dahil baka nasa paligid lang si Laze anak, hinahanap na din siya ng pamilya niya.." Wala ako sa sariling naghintay na makalabas sa kwartong ito.

"Ano bang nangyari anak?" Umiling ako.

"Hindi ko po alam, b-basta po may sumabog, mga dalawang beses at sa pangalawa na 'yon ako na po yung tinamaan." Nang maalala ko ay mas natakot lang ako sa lakas no'n.

"Nakawala yung mommy ni Terry sa kulungan, nakatakas." Napatingin ako kay Ate Janella sa sinabi.

"Huh?"

"Terry's phone got tap wired, may spy na sa bahay nila Terry. Prosecutor Sandoval found out about the tap wire and then exactly Terry received a message from an unknown number that he should leave the yacht as his mom planned something on it." Napapikit ako ng mariin.

Umuusbong ang galit sa dibdib ko.

Nang makarating sa Palawan ay ginusto ko ng tumayo para tumulong sa paghaharap, ngunit lahat sila ay pinipigilan ako hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto ay nahihiya kong sinulyapan ang mommy ni Laze.

"You're a Garcia now, please huwag mo ng pahirapan ang parents mo na awatin ka. Hahanapin namin si Laze," napalunok ako at naluluhang tinignan siya.

"Okay? Relax, get treated and then you can help us. Laze is a strong person. He'll survive wherever he is, he was trained like that." Napatitig ako sa mommy niya at tumango.

Matipid itong ngumiti, "Get some sleep, I'll call you first if we find him." Tumango ako at humiga na lang, kumalma sa kaniyang pakiusap.

Kung nag-aalala ako, paano pa ang kaniyang ina? Kung may tiwala ito sa kaniya na maayos siya, dapat magtiwala ako na maayos si Laze.

Isa, at dalawang araw lang ako nagpagaling sa ospital, sumama rin ako sa paghahanap.

Malapit na ang pasko ngunit wala pa rin siya, hindi pa rin siya nakakabalik.

Pinupuntahan rin namin ang mga isla na walang signal, ngunit hindi namin siya mahagilap.

Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang mommy ni Terry, kinagabihan ay tumigil kami at tsaka nagpahinga ng isang oras.

Doon rin ako kumain at naligo, pagkatapos no'n ay muli na akong lumabas ng kwartong tinutuluyan ko. Even though it's a hotel, and Laze's parents advised me to stay with them ay wala rin naman sila doon dahil buong araw silang naghahanap.

Even Jami, she can't focus on her studies. Nag-suot ako ng jacket upang muling sumama sa paghahanap.

"Aalis ka na agad anak?" Natigilan ako sa pagtawag ni mama.

"Kailangan ko pong hanapin si Laze ma," matipid kong sabi. Huminga siya ng malalim, "Matulog at magpahinga ka naman anak. Hinahanap pa rin naman siya ng mga magulang niya eh."

"Okay lang ako ma, hahanapin ko na para mas mapabilis. Kasi baka nasabugan rin siya," mahinang gitil ko.

"Anak naman."

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon