Chapter 10

62 10 157
                                    

Hakuna Miran's Point of View.

Sinulyapan kong muli si Laze na nakaupo sa kung saan siya madalas nauupo kaya naman ngumiwi ako at lumapit sa kaniya upang kuhanan siya ng order. "Good day sir, what's your order?" Natigilan siya at tinignan ako.

Tinignan niyang muli ang binabasa bago niya ako hindi muling pinansin kaya bahagyang umawang ang bibig ko. Sungit.

"How about your drinks sir?" Pag-uulit ko.

"Later." Sobrang plain ng sagot niya, wala man lang flavor.

Pairap akong umalis sa harap ng table niya at tsaka ko kinuha ang order ng ibang costumers, after no'n ay lumipas ang oras bago pa niya ako muling tinawag. Umorder siya ng inumin at bread, tapos nagbasa na ulit siya.

Maya-maya ay dumating naman si Yamato kasama ang ibang kaibigan niya, nanatili akong nagtatrabaho hanggang sa tawagin ako ni Yamato kaya naman nakangiti akong lumapit sa kanila. Ngumiti ang mga kaibigan niya sa akin, "Good day sir, what's your order?" Kwestyon ko.

"Ate ko nga pala," nang ipakilala ako ni Yamato ay nginitian ko silang lahat.

"Hi po ate."

"Hello po ate."

Nahihiya sila kaya naman matapos no'n ay ako rin ang nag-serve ng foods nila, natapos ang buong araw ng wala naman gaanong ganap. Pagka-off ko sa trabaho ay sinuot ko na ang bag ko dahil anong oras na rin.

Pagkalabas ko ng cafe ay natigilan ako ng makita si Crizel. "Crizel." Pagtawag ko sa kaniya at nilapitan ko siya pero nang lingunin niya ako ay muli siyang napairap.

"Huwag mo na lang akong pansinin kung ayaw mong ipahiya na naman kita." Mariing sabi niya at hindi ako tinignan, bumuntong hininga ako at tinitigan siya.

"Bakit ka ba nagagalit sa akin Crizel? May nagawa ba akong masama?" Nadidismaya kong tanong pero hindi siya umimik at sumakay na sa sasakyan na kulay puti, mukhang driver niya 'yon.

Panay ang buntong hininga ko kakaisip kung ano bang nangyari, o ano bang mali kong nagawa. "Miran." Nilingon ko ang tumawag at matipid lang na nginitian si Jem.

"Bakit?"

"Kaibigan mo ba 'yon?" Tanong niya sa akin, inayos niya ang buhok at ang hawak na libro.

"Oo," sagot ko.

"Kumalat nga sa school yung ginawa niya sa'yo, tapos ang tingin mo pa rin aa kaniya kaibigan?" Nagtatakang sabi niya at napakamot pa sa sintido, tumabi siya sa pagkakatayo ko dahil may dumaan aa gilid niya.

"Hindi ko nga alam kung bakit siya galit." Pabulong kong sagot.

"Hindi mo ba siya pinagdudahan man lang? Kung bakit ka niya nilapitan kaagad unang klase pa lang?" Nangunot ang noo ko at umiling, tinignan ko si Jem na hindi makapaniwala.

"Masyado kang mabait kaya ka ginaganoon. Hindi mo man lang naisip na kinaibigan ka niya kasi malapit ka kay Sir Laze." Bigla ay natigilan ako sa sinabi niya.

"Huh?"

"Kinaibigan niya ako kasi malapit ako kay Laze?" Hindi ako naniniwala na 'yon ang dahilan, gagawin niya ba 'yon para kay Laze?

"Oo, mula ng kumalat ang rumor na boyfriend mo si Laze nagalit na siya sa'yo 'di ba?" Bigla ay naalala ko ang nangyari, oo nga 'no..

Bakit naman kailangang ganoon?

Habang nakatayo ay nagulat ako ng may dumaan sa gitna namin, nagulat rin si Jem. Nang tignan ko ang likuran nito ay alam ko na kaagad kung sino ito kaya napairap ako. Sa luwag ng daan sa gitna siya dadaan? Lakas amats ah.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now