Chapter 62

52 9 248
                                    

Chapter 62:

Hakuna Miran's Point of View.

After a week pwede na akong makalabas, kaya naman nangangapa ako dahil hindi ko alam kung anong klaseng tao ba ako mabuti o masama.

Habang nasa bahay ay panay ako ikot at tunganga sa paligid, lalo na sa kwarto ko. Ang dami kong nakikita na hindi ko maalala.

Habang nasa sala ay natigilan ako ng dumating ang grandparents ko with that fiancé guy they told me about.

"Mom, don't force her." Natigilan ako ng sabihin 'yon kaagad ni dad.

"Miran, siya yung papakasalan mo. Kaya kayo naaksidente dahil nag-saya kayo ng gabi na 'yon. Malinaw ba?" Napatitig ako sa lalake dahil sa sinabi ni lola.

Pero hindi ko nakalimutan ang sinabi ni Robot— I mean ni Laze na huwag ako magtiwala sa sasabihin ng iba dahil gagamitin nilamg advantage ang pagwala ng memorya ko.

Sinong mas papaniwalaan ko sa kanila? "Hindi ko po siya kilala." Mahinang sabi ko at yumuko.

"Kaya nga kilalanin mo, maayos na kayo eh." Ngumiwi ako.

"Ayoko nga po maikasal, ang bata bata ko pa." Sumbat ko.

"Aba't sumasabat ka na?!" Huminga ako ng malalim.

"Lola ayoko po bastusin kayo kaya huwag niyo na po ako pilitin. Hindi ko po siya kilala at sumasakit po ang ulo ko sa tuwing nakikita ko siya." Gitil ko at tsaka aakyat na sana.

"Pag umakyat ka mapipilitan akong alisin ang pamilya niyo sa pamilya ko at pupulutin kayo sa lansangan!" Natigilan ako sa sinabi ni lola.

"Mom ano ba," sita ni dad.

"Huwag niyo naman ho sanang idaan sa ganyan, nahihirapan pa po si Miran sa nangyari sa kaniya." My mom said, pero bumaba ako at lumapit sa kanila.

"Itatakwil niyo po ang apo niyo para sa kasal? Anong klase po kayong lola?" Sumbat ko.

"Mas lalo po akong nagkaroon ng dahilan na hindiian ang kasal." Mariing sabi ko, galit na galit ito sa akin.

"Lumayas ka sa pamilya ko!" Sigaw niya.

"Sige po, kung 'yan ang gusto niyo kakalimutan kong kadugo ko kayo dahil hindi ko naman dama. Ginagamit niyo lang ako." Mariing gitil ko at umakyat sa kwarto ko.

"Miran anak!" Humabol si mama, at nang nasa kwarto na ay huminga ako ng malalim.

"Mama ayoko po talaga." Sagot ko.

Ngunit nang ngumiti siya ay natigilan ako, "Gawin mo kung anong ikakasaya mo anak, kung sa tingin mo hindi maganda 'yon sige. Naiintindihan namin huwag mo kaming iisipin dahil kaya namin ang sarili namin." Tumango ako kay mama.

"Aalis na lang po ako para hindi kayo madamay, mama. Pupunta po ako sa sinasabi ni Crizel po na condo ko raw," tumango si mama.

"Bibisitahin ka namin."

Dahil doon ay nilisan ko ang bahay pero hinatid ako ni dad sa condo na sinasabi nila, hinihintay naman ako ni Crizel sa labas ng lobby.

"Tara na," anyaya ni Crizel.

Nang makaakyat ay nagpaalam rin siya kaagad dahil sa may trabaho pa raw siya, kaya habang inaayos ko ang condo ko ay nakita ko ang mga magagandang naguhit at may pangalan ako doon kaya siguro ito ang talento ko?

Habang inaayos ang kama ay may kumatok kaya naman binuksan ko 'yon at natigilan ako ng makita ang dalawang babae, mukhang mag-ina sila.

"Ano pong kailangan niyo?" Tanong ko.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now