Chapter 20

96 10 200
                                    

Hakuna Miran's Point of View.

Nanlulumo akong yumuko sa mesa at nakikiramdam. Hahanapin ko na lang yata yung pogi na sinabing pag-iisipan niya kung tatanggapin niya ang alok ko. Habang lumilinga linga ay nakita ko si Janella at natigilan ako ng makita ang isang kasing tangkad ni Laze.

Mukhang si Laze nga talaga ang nakahalikan niya.

Nakagat ko ang ibabang labi at pinilit ngumiti pero may humawak sa kamay ko at hinila ako, nang mapansin ko yung suot niya ay alam kong siya na kaagad yung lalake kanina. "I found out why did they made us have an extra clothes. To change before the reveal." Tumigil kami sa wala gaanong tao.

"Are you sure about asking me to do this?" Napalunok ako, napalingon sa bawat gilid at huminga ng malalim.

"Makungkot ako ngayon," mahinang sabi ko sa kaniya.

"Nalulungkot ako kasi hindi ko maintindihan kung bakit ako nagseselos sa wala, she's my friend and he's also my friend." Pabulong na sabi ko.

"Whom do you like? She or the he?" Sa tanong niya ay ngumuso ako dahilan para mapangisi siya at sa simpleng ngisi niya ay lumabas na ang dimples niya kaya nakagat ko ang ibabang labi lalo na ng dumapo ang mga mata ko sa labi niya.

"What do you think of me?" I asked.

"Why? Do you want to be my girlfriend?" Sa tanong niya ay nasamid ako sa sariling laway dahilan para mapaubo.

"Ang straight to the point mo ha, bakit ka papayag na halikan ako?" Taas kilay kong tanong.

"Why not? A drop-dead-gorgeous lady is asking me. Why would I say no?" Lumabi ako at bumuntong hininga.

"Hindi ko talaga alam kung magagandahan ka pa sa akin pag wala 'to, hindi natin kilala ang isa't isa." Tumango tango yung lalake sa harapan ko.

"So? That's the point why you're asking. Kasi hindi tayo magkakilala." Halos mahawakan ko ang daliri niya ng hawakan nito ang labi ko gamit ang hinlalaki niya, napatitig ako sa kaniya ng titigan niya ang labi ko.

Kumabog ng sobra ang puso ko sa kaba, napalunok ako ng hindi na maalis ang tingin niya sa labi ko. He leaned over and was about to kiss me but then he smiles and touched my lips once again.

"Your first kiss?" Tanong niya at tinitigan ako sa mata.

Marahan akong tumango, muli siyang ngumiti at dahil doon ay bahagya pang nawala ang mata niya pero lumabas ang dimple niya kaya naman awtomatiko akong napapikit sa kaba ngunit halos magpakain ako sa lupa ng lumapat ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko.

Deretso lang akong nakatayo habang bahagyang nakasandal sa pader, bahagyang gumalaw ang labi niya at nagtagal 'yon ng mahigit limang segundo bago siya humiwalay at halos matawa siya ng manghina ang tuhod ko.

Nakakahiyang sinalo pa niya ang mga braso ko para hindi mawalan ng balanse.

Hindi ko mapigil ang bilis ng tibok ng puso. "I wanted to heal your heart, but maybe until we meet again. I'll kiss you again, always remember this lips that marked yours first." Umawang ang labi ko ng kindatan niya ako, ngunit sabay kaming napalingon ng may tumikhim sa gilid at agad akong napaayos ng tayo ng makita ang lalakeng matangkad na nakatingin sa amin.

Halos manlaki ang mata ko ng mapansin na si Laze 'yon, siya yung kasama ni Janella kanina. Sigurado ako! Lalapitan ko sana siya pero mabilis na hinuli ng kaharap ko ang braso ko at dahil doon ay napatitig akong muli sa labi niya na nakangiti.

Why is he so smiling that handsome? Kakaiba ang dating!

"Is he the man you're talking about?" Mahinang tanong niya kaya, napatitig ako sa mata niya at kinakabahang tumango.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now