Chapter 72

56 8 330
                                    

Chapter 72:

Hakuna Miran's Point of View.

"Doon muna ako," paalam ni Yuno.

Hindi na ako muling tinignan ni Laze kaya yumuko na lang ako sa mesa at tsaka pumikit. "Kung matutulog ka pumunta ka na sa taas." Masungit na sabi ni Laze kaya tumayo ako ngunit bahagya pang nawala sa balanse.

Mahina akong natawa, "A-Akala mo matutumba ako 'no?" Napapikit ako ng sumakit ang ulo ko.

"Nahilo ka?" Kwestyon ni Laze.

Pumikit ako muli at nanumbalik sa akin ang ala-ala sa itaas ng rooftop at halos mapaupo ako ng muli kong maramdaman ang takot dahil nakalutang na ako sa mismong palapag no'n.

"Hakuna," sa pagtapik ni Laze sa braso ko ay napaiwas ako kaagad na ikinataka niya.

"What's happening?" Niyuko niya ako upang masilip ang mukha ko, nahilot ko ang sintido ko.

Napaupo ako ng sunod sunod na pumasok sa isipan ko ang mga ala-ala na hindi ko ma-sort out, ngunit napatitig ako kay Laze ng pumasok sa isip ko ang pagkatok niya sa condo ko noon at ang pag-amin niya.

I bit my lips, it's making my heart beat faster. "Miran." Natitigan ko si Laze.

Bumalik ako sa pagkakaupo, hindi ko mapigilan ang sunod sunod na pagbalik ng ala-ala ko na para bang isang transition ng mga nangyari sa akin mula pagkabata ko.

"Hakuna Miran." Sa pagmulat ko ay nahilo pa ako, mahina akong tumawa ng tumigil 'yon tsaka ko nasapo ang mukha.

"What a brave woman," mahinang bulong ko after remembering everything that happens to me in one click.

"What do you mean?" Nalingon ko si Laze ng bigla siyang magsalita, napalunok ako at matagal siyang tinitigan.

"I like you." Sa sinabi ko ay nangunot ang noo niya, napaayos siya ng tayo tsaka ipinamulsa ang kamay sa suot niyang jogging pants.

"I didn't ask," mahinang sabi niya at tinalikuran na ako.

"I like you!" Malakas na sabi ko pa na ikinatigil ng paglalakad niya.

"I don't," sagot niya at umakyat na sa kwarto niya.

Ngumuso ako at napaupo sa mesa, "Don't tell me sumusuko ka na?" Napalingon ako kay Yuno na pinantatakip ang braso niya sa mata niya habang nakahiga siya sa sofa.

"Huh?"

"You did worse back then, he never gave you up." Napatitig ako kay Yuno ng lingunin niya ako.

"It's okay to bother him, but don't make it too desperate." Huminga ako ng malalim at tinanaw ang kwarto ni Laze sa itaas.

Lumapit ako sa tabi niya at isiniksik ang katawan ko sa paanan niya. "Doon ka na sa taas, kulitin mo." Utos ni Yuno kaya ngumuso ako at yumuko sa tuhod ko.

"Magkaiba kami okay? Never niya akong tinaboy nang panahon na siya yung nangungulit. Pero ako tinaboy ko siya ng maraming beses so papaano pag sinabi niya na tinanggihan ko siya noon bakit ako naghahabol ngayon?" Napaupo si Yuno sa pagkadismaya sa akin.

"Alam mo kung anong tawag diyan?" Napatitig ako sa kaniya, "A-Ano?" Inabot ko ang unan at ipinatong sa lap ko.

"Pride mo, ego." Napairap ako.

"Bawal ka lumabas ng mag-isa naiintindihan mo ba ako? Aalis na ako." Paalam ni Yuno at basta-basta tumayo.

Humiga ako sa sofa at niyakap ang unan na maliit ngunit hugis square. Sa pagpikit ko ay naging mabilis ang oras at nagising ako dahil may naririnig akong nagsasalita sa 'di kalayuan.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now