Chapter 41

63 9 150
                                    

Chapter 41:

Hakuna Miran's Point Of View.

Prente kong hawak hawak ang maraming plates na ipapasa ko at dahil maraming tao sa main entrance ay sa parking lot ako naglakad takbo upang hindi ma-late ngunit nangunot ang noo ko ng matanaw si Laze, ganoon nangunot ang noo ko ng makita sila ni Yuno.

Nang mag-aaway na ang dalawa ay mabilis akong tumakbo papunta sa kanila. "Hoy!" Awat ko ngunit napangiwi ako ng sumakit ang paa ko sa pagkabigla kaya ipinatong ko muna ang gamit sa isang sasakyan at mabilis na pumagitna.

"Mag tigil nga kayong dalawa!" Inis na sigaw ko at itinulak sila papalayo sa isa't isa.

"Laze at Yuno ano ba! Mga feeling bata ha!" Nang mag-layo sila ay salubong ang kilay ni Yuno na tumitig kay Laze.

"Yuno naman!" Sita ko ng susugod pa sana siya pero malakas ko siyang siniko sa tagiliran dahilan para mapahawak siya doon at bahagyang dumaing ng tahimik.

"Isa ka rin Laze! Ano bang pinag-aawayan niyo ha?" Singhal ko, napangiwi ako ng kumirot at humapdi ang talampakan ko.

"Ikaw." Inis na sagot ni Yuno kaya tumaas ang kilay ko.

"Hambalusin ko kaya kayong dalawa sa ulo? Magsi-pasok na nga kayo sa mga klase niyo, late na ako. Nakakainis kayo." Singhal ko at iika ika na kinuha ang gamit ko at tinalikuran sila.

"Ano, angas mo eh. Hindi ka naman maka—"

"Isa pa!" Sigaw ko dahilan para may sumabay sa akin.

"Stupid." Pahabol na sabi ni Laze at sinabayan ako kaya napairap ako.

Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang papunta sa class room namin, "Is your feet okay?" Tanong ni Laze kaya tumango ako, "Is it healing or gettin' worst?" Huminga ako ng malalim sa tanong niya.

"Change its bandage so you'll see." Derektang sabi ko, napatitig siya sa akin kaya umiwas tingin na ako at naglakad na. Sumunod siya at nangunot ang noo ko ng unahan niya akong maglakad.

Epal naman 'to eh.

Nang makapasok sa classroom ay nakita ko kaagad si Crizel kaya tumabi ako sa kaniya, "Ano't nahuli ka sa klase? Nauna ka nga pumasok sa akin eh." Hindi makapaniwalang tanong ni Crizel.

"Umawat ako ng nag-aaway na mga bata." Nakangiwing sabi ko, agad naman lumingon si Laze sa gawi ko ngunit tumingin siya kaagad sa nag-didiscuss na si sir.

Siya yata yung tipo na kahit alam niya na yung inaaral, makikinig pa rin.

Matapos ng klase ay sinuot ko na ang bag ko, para sana pumasok na sa trabaho ngunit pinigilan ako ni Crizel. "Magta-trabaho ka pa? Hindi ka pa ba pinatigil ni tito sa pagtatrabaho para maka-focus ka sa pag-aaral." Nagtataka na sabi ni Crizel.

"Kahit patigilin niya ako hindi naman ako titigil, ayokong humingi ng tulong sa kaniya sa mga pangangailangan ko." Mariing sabi ko, tumitig sa akin si Crizel.

"Galit ka ba sa kaniya?" Umiling ako.

"Hindi, pero hindi ko rin alam kung paano siya pakikisamahan." Matipid na sagot ko ngunit nagsasabi ng totoo, huminga siya ng malalim at tsaka hindi ako makapaniwalang tinitigan.

"Hindi ko inaasahan na magkadugo rin tayo," natawa ako sa sinabi niya.

"Ako rin naman." Sinabayan niya ako sa paglalakad, "Hindi pa magaling paa mo, start ka na kaagad sa work. Si tito naman hindi ka pa lang bigyan ng allowance." Dismayadong sabi niya.

"Hindi ko kailangan no'n," matipid na sabi ko.

"Tigas naman nito, kung hayaan mo kayang patunayan niya sarili niya sa inyo. Wala namang kasalanan si tito kung tuuusin." Ngumuso ako dahil totoo naman ang sinabi niya, "Hindi ko alam."

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now