Chapter 19

73 10 184
                                    

Hakuna Miran's Point of View.

Napatitig ako sa mukha niya, hindi ko maiiwas ang tingin dahil ngayon ay kitang kita ko ang emosyon niya. "B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong, ang titig niya ay tumalim at hindi ko alam ang isasagot.

"W-Why do you h-hate me? M-Masyado ba akong pakialamera b-bilang kaibigan?" Ang tibok ng puso ko ay hindi normal, masyado akong kinakabahan sa presensya niya ngayon.

Naninibago ako. "Laze.." Mahinang tawag ko sa pangalan niya, huminga siya ng malalim at humakbang paatras ng mga dalawang beses at nasapo ang kaniyang noo.

"W-Why do you have to be her friend? W-Why does it have to be you, why does she need to go back at this time?" Nagulat ako sa sinabi niya, ngunit hindi ko siya maintindihan, hindi ko malaman kung saan siya nanggagaling.

"Laze ano bang sinasabi mo?" Kwestyon ko, nag-aalala.

"M-May problema ka ba? N-Naguguluhan ka ba saan? I'll help you sort it out." Umayos ako ng tayo at hinawakan siya sa braso upang pakalmahin pero hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa pagkakahawak sa kaniya.

"Never mind." Matipid niyang sagot at mabilis na umalis kaya naman hindi ko alam ang gagawin kundi panoorin siyang maglakad papalayo. Hindi ko siya ma-gets.

Bigla siyang sumasabog, ang slow ko pa naman.

Sa sobrang kaba ay pakiramdam ko pagod na pagod ako kung kaya't sumandal ako sandali sa pader. Nagpalipas ako ng ilang minuto bago ako bumalik sa loob, tinignan naman ako kaagad ni Janella.

"Okay ka lang? Namumutla ka mare." Nag-aalala niyang tanong. Tinitigan ko ang mukha niya bago ako bumuntong hininga at umiling.

"Ayos lang ako." Gitil ko.

"Si Sir Laze?" Tanong naman ni Jem.

"Sumama yung pakiramdam." Pagsisinungaling ko at naupo sa tabi ni Janella, inakbyan niya naman ako.

"Ikaw ba yung gusto ka-partner?" Nalingon ko si Jem sa kaniyang tanong.

"H-Hindi ko alam, si Janella yata." Sagot ko.

"Did he ask you to be his partner?" Kwestyon ni Jem kay Janella, pero ngumuso lang si Janella.

"Hindi ko alam, parang hindi niya naman ako tinanong to be his partner. Gusto niya lang raw ako makausap." Pagkwento ni Janella kaya lumunok ako lalo, anong trip ni Laze?

Kilala ba ni Laze si Janella? Old friend?

Nagsimula ang simpleng practice at dahil walang partner si Janella ay yung mismong instructor ang nag-sayaw sa kaniya, natapos ang nakakapagod ma dalawang oras at hindi naman mahirap ang intermission na sinasabi nito dahil memorization lang ang kalaban.

Pagkatapos ng practice ay nag-trabaho ako at hindi ko rin nakita si Laze doon, bakit kaya? Dahil doon ay hindi ko alam kung paano ako uuwi. Nahihiya akong umuwi sa kanila ng hindi siya kasama kaya naman humanap muna ako ng matatambayan.

Naupo ako sa labasan ng convenience store, kumakain lang ako ng mainit na cup noodles. Inabot ako ng alas otso ng gabi at hindi ko pa rin alam kung paano uuwi dahil galit yata si Laze sa akin.

Ang malas malas ko talaga.

Nang alas nuebe na ay tuluyan ng na-lowbatt ang cellphone ko at hindi ko alam kung papaano ako uuwi dahil taxi lang ang paraan para makauwi sa kanila at sobrang mahal ng fare.

Laze.

Ngumuso ako.

"Laze.." Mahinang bulong ko sa pangalan niya at yumuko sa mesa dahil inaantok na ako.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now