Chapter 29

72 10 111
                                    

Chapter 29:

Hakuna Miran's Point of View.

Hindi ko magawang harapin si Laze sa hiya, ngunit dahan dahan akong lumingon at nakita ko lang siyang nakatitig sa akin. "A-Ano?" Nahihiyang tanong ko.

"Tapos na ako!" Nang sumingit si Crizel ay hindi na kami nakapag-usap, bumalik naman na kami sa kwarto namin at nagpatuyo ng buhok gamit ang fan dito sa kwarto, habang si Laze ay towel lamang ang gamit dahil hindi naman mahaba ang buhok niya.

Pagkatapos no'n ay tinuloy namin ang model. Nang maunang makatulog si Crizel ay inayos ko ang pagkakakumot sa kanya dahil nasa paanan niya na yung kumot, bumalik ako sa harap ni Laze.

"I wanted to see the tree." Sa biglang sinabi niya ay nangunot ang noo ko, mukhang hindi naman siya nagbibiro.

"B-Bakit?"

"Let's go, I need to see it's land." Wala akong nagawa kundi sundan siya papalabas at makikita ko na may mga students pa na nag-uusap at nakapalibot sa apoy na para bang nasa camp site sila.

Tahimik lang si Laze at ginamit na flash light ang cellphone niya sa daan ngunit masasabi ko naman na may ilaw sa paligid kulay dilaw yata 'to o orange. Nang nasa harap na ng puno ay napalunok ako at hindi lumayo kay Laze.

"Meow~"

"AYYY!" Napatili ako at napatalon sa tabi ni Laze, ang tibok ng puso ko ay kulang na lang tumigil na dahil sa gulat ko sa pusa na malaki mukhang alaga dahil mataba siya.

"Poor kitten, how could you shout Hakuna." Ngumuso ako at ng mapansin na nakahawak ako sa bandang bewang ni Laze ay mabilis akong napabitaw ngunit sa biglaang bitaw ko ay nawala ako sa balanse at dahil doon ay madudulas na sana ako ngunit naagapan kaagad ni Laze ang braso ko.

"You're so— let's go back." Halatang iritable siya at itinayo ako ng maayos bago naglakad na muli kaya napanguso ako.

"Laze." Habol ko at pasimpleng kumapit sa laylayan ng shirt niya sa likuran niya pero natigilan siya at nakakunot ang noong nilingon ako.

"Why are you gripping so hard?" Kwestyon niya tinutukoy ang kamay ko.

"H-Huh?"

"There is no ghost Hakuna," mahinang wika niya at natitigan ko ang kamay niyang inalis ang kamay ko sa shirt niya pero halos malunok ko ang dila ko ng hindi niya bitiwan 'yon at deretso lang na naglakad.

Nag-init ng sobra ang mukha ko, at hindi ko maintindihan kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Para akong aatakihin! Shit kasalanan..

Mariin akong napapikit ng maalala si Janella ngunit sa huli ay hinayaan ko si Laze na hawakan ang kamay ko dahil marahan at hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya doon.

Pwede kong hilain ang kamay ko kung tutuusin!

Pero natunton na namin ang kwarto ay doon ko lang naisipang bawiin ang kamay ko at maunang pumasok. "T-Tulog na ako," mahinang sabi ko at nagmamadali at tataranta na pumunta sa kama ko matapos ay nagtalukbong ng kumot.

Kinaumagahan ay naligo na kami ala sais pa lang ng umaga, paunahan pero itong si Laze naunang naligo mag-isa niya pasikat pa lang ang araw kaya sinamahan niya na lang kami.

Maybe he cares about girls kasi may bunso siyang kapatid na babae. Wala pa ako sa wisyo kahit nakaligo na ako, pipila kami for breakfast ngayon pero one student per group ang kukuha para hindi makalat and guess what..

"Laze ikaw pumila dali, para makakuha tayo kaagad. Malakas ka naman sa kanila eh," deretso ang tingin ni Laze kay Crizel na para bang napipikon na siya pero tumango siya at pumunta doon at tulad ng karagatan na nagawang daanan ni Moises ganoon ang nangyari sa mga estudyante ngayon.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now