Chapter 5

85 13 89
                                    

Hakuna Miran's Point of View.

Tatlong linggo na ang nakalipas at madalas kong nakakasama si Laze sa pag gawa gawa ng plates, hindi naman siya nagrereklamo dahil kahit kausapin o sagutin ang tanong ko ay wala siyang sinasabi.

Tatlong linggo na rin akong nags-struggle sa course ko dahil bukod sa mahirap ay kulang ang gamit ko ang naipon ko ay mabilis na nauubos dahil sa materials. "Laze!" Mabilis na tawag ko ng makita ko siya sa bus stop but then nilingon niya lang ako at hindi na pinansin.

Matangkad talaga siya, para siyang yung papa niya sobrang tangkad habang ako wala no comment. "Pwede sumama ulet?" Nakangiting tanong ko.

"What's the use of having my permission, sasama ka pa rin." Napangiti ako sa sagot niya at tumango tango.

"Tama ka diyan!" Hindi ako makapaniwalang naging close ko siya hindi naman sobra pero hinahayaan niya ako sa paligid niya kahit na ang dami dami kong tanong.

"Laze—"

"One more call and I'll make your every day worst." Alanganin akong tumawa sa banta niya at tumango tango.

"Sabi ko nga tatahimik na." Hinintay namin ang bus kahit 9PM na ng gabi. Katatapos lang kasi ng shift ko.

Napatingin naman ako sa braso ko, parati na lang akong naka longsleeve. Wala akong magawa kundi itago ang mga pasa at sugat na dulot ng tito ko, ngunit anong magagawa ko? I have to protect my family.

"Miran."

I have to protect them at all cost. "Ah!" Natigilan ako ng magaan lang naman na hawakan ni Laze ang braso ko ngunit nasaktan ako agad.

"H-Huh?"

"The bus." Nang makita ang bus sa harap namin ay sumunod agad ako sa kaniya ngunit napatingin ako sa braso ko na naging sensitive kahit sagi ay masakit na.

"Did I grabbed you hard?" Napalingon ako kay Laze na awtomatikong naupo sa tabi ko ngayon kaya naman mabilis akong umiling.

"Nagulat lang ako, iniisip ko kasi yung architectural design na sinasabi ni sir." Pagsisinungaling ko pa.

"Alright." Reply niya kung kaya't tumahimik na ako dahil sa tumatakbo sa isip ko.

Nang makarating sa comic book store ay napangiti ako ng makita si Yamato na nakatutok sa libro niya mukhang nag-aaral rin talaga siya ng mabuti. "Kuya Laze hi! Ate!" bati niya ng makita kami.

Tinanguan lang siya ni Laze kaya naman naupo na kami at inilabas ko na ang plates, napatitig ako kay Laze na tahimik lang buong nagdamag.

Nang mapansin niya ako ay natigilan siya tapos blangkong tinignan rin ako. "What?" umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Habang gumuguhit ay bumuntong hininga ako ngunit ganoon na lang ako napasigaw ng malakas na may humablot sa braso kong namamasa.

"Aray ko po!" Daing ko ng hablutin ako ni Tito Jubal.

"Uuwi na tayo! Yamato sumunod ka na ngayon na!" Maluha luha akong hinila ni Tito Jubal ngunit ganoon na lang nanlaki ang mata ko kasabay ng pagsalampak ko sa sahig ng may malakas na pumigil sa kamay ni Tito Jubal.

"Sir." Napatingala ako kay Laze na nakatitig kay Tito Jubal.

"Huwag kang makialam sa pamilya namin hijo." Nagbabantang sabi ni Tito Jubal at pilit binawi ang kamay niya ngunit napalunok ako ng sa pwersang paghila ni Tito Jubal ay bigla siyang binitiwan ni Laze dahilan para mawalan siya ng balanse.

"You're starting a mess inside the book store sir. You need to leave before I call the police." Mahinahon 'yon ngunit blangko ang tingin ni Laze. Lumapit si Yamato sa akin at tinulungan akong tumayo ngunit aksidente niyang nahawakan ang pasa ko dahilan para mariin akong mapapikit.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon