Chapter 35

62 10 191
                                    

Chapter 35:

Hakuna Miran's Point of View.

Nang makarating sa condo ko ay si Crizel pa lang ang nandoon, malamang sa malamang ay magpapahangin muna si Janella, magpapakita sa amin na masaya siya kahit na ang totoo ay hindi.

Napaupo ako sa sofa at pumikit. "Napano ka?" Crizel asked, huminga ako ng malalim at nagkibit balikat.

"Hanapin natin yung lalake sa ball." Pabulong na sabi ko.

"Mare—"

"Siya na lang ang pag-asa ko, nalingat lang si Laze. Nasanay lang siya na ako yung nakakaunawa sa kaniya." Inabot ni Crizel ang pakwan at inabot sa akin.

"Sigurado ka diyan?"

"Oo," mahinahon kong sagot.

"Sure ka—"

"Crizel hanapin na lang natin 'yon, makikilala ko siya pag nagkaroon ulit ng masquerade party. Pag nangyari 'yon magpapakilala na ako," huminga ng malalim si Crizel sa gusto kong mangyari.

"Kailangan mo pang ipakulong yung stepfather mo, hindi na tama ang death threats na binibigay niya papaano kung totohanin niya?" Tanong ni Crizel.

"Hindi ko pa alam." Mahinang sabi ko.

"Sige, gagawa ako ng party for you. Makikilala mo ba siya?" Napalunok ako at huminga ng malalim.

"If he wears the same clothes and those gray contacts. I might." Napatitig sa akin si Crizel.

"Hindi ba si Laze 'yon?" Nangunot ang noo ko at umiling.

"Laze didn't participate at the intermission, hindi siya sumama sa practice natin. While that man joined and became my partner." Tumango siya at huminga ng malalim.

"Ako na bahala, ipopost ko sa group natin. Architect and engineering." Hindi na ako nagsalita at malalim na nag-isip.

Kalaunan ay biglang bumisita si mama sa condo at naaubutan niya ang mga kaibigan ko, "Magandang hapon po tita." Nahihiyang bati ni Crizel.

Napapansin ko naman na medyo nahihiya si Janella kay mama, "Magandang hapon po."

"Magandang hapon mga magagandang dalagita, maayos naman ba kayo rito?" Nakangiting kwestyon ni mama at ibinaba ang dala niya para sa amin.

"Spaghetti, at shanghai. Niluto ko 'yan dahil yung kapatid mo top 1 ngayong first grading nila." Napangiti ako.

"Matalino talaga 'yon mama, mana kay papa siguro—"

"Anak ka ng tatay mo, maasar." Natawa kaming lahat sa bawi niya kaya naman tinulungan namin siya ngunit bigla siyang natigil.

"Kayo ba'y hindi pa maayos sa mga magulang niyo?" Naitikom ko ang bibig dahil mukhang kinakausap niya si Janella.

"H-Hindi pa po." Sagot naman ni Janella.

"Alam mo 'neng, ang mga tatay talaga ay strikto. Mas mabuti ng strikto ang tatay mo kesa walang pakialam sa'yo. Ang mga magulang talaga ay naghihigpit sa mga anak nila dahil nag-aalala sila rito. Sana ay huwag niyong masamain kung kaming mga magulang kung minsan ay masakit magsalita." Napatitig ako kay mama sa aral na binibigay niya.

"Kahit na ganoon ay nakokonsensya kami sa mga nasasabi namin sa tuwing galit kami, panigurado ay nag-aalala na sa'yo ang ama mo. Hindi na kami bumabata hija." Naiintindihan ko ang punto ni mama sa totoo lang ngunit wala eh mahirap talaga ang sitwasyon.

"Mahal ka no'n." Nakangiting sabi pa ni mama.

"Si papa kaya mama, mahal ako?" Biglang sabi ko dahilan para matigilan siya.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now