Chapter 52

53 7 379
                                    

Chapter 52:

Hakuna Miran's Point of View.

"I-I have to go," napunasan ko ang sariling bibig bago hindi ako mapakaling umalis sa harapan niya. Nang makabalik sa table namin ay hindi ako mapakali dahil nandito na rin si Terry.

What would he feel if he found out?

Natapos ang party ng hindi ko nakita si Laze, kaya naman lumipas ang ilang araw na umuwi ako sa bahay at hindi pumasok sa trabaho dahil sa nangyari.

Kinahapunan ay tinawag ako ni mama para bumaba. "Pupunta yung fiancé mo anak, para sa gabihan. Mag-ayos ka." Matipid na sabi ni mama.

"Opo."

Sinaktuhan ko lang ang ayos sa sarili ko at tsaka ako bumaba, "Nasa labas na ata, sunduin mo anak. Ang aga pa." May tumigil na sasakyan sa harapan kaya naman tinatamad akong lumabas ngunit nakita ko ang pamilyar na sasakyan.

Sasakyan ni Laze.

Bumaba siya ng sasakyan at ngayon ko lang siya ulit nakita, simpleng itim na long sleeves lang ang suot niya na may kanipisan tapos ay naka-slides in slipper at manipis na cotton shorts na kulay itim.

Pinagmasdan ko siyang lumapit sa akin, ano kayang sasabihin niya ngayon? Nang makatayo siya sa harapan ko ay bahagya akong napaiwas tingin. "A-Anong ginagawa mo rito?" Panimula ko.

"Was that really true?" Mukhang tinutukoy niya ang engagement party.

"Yes." Mahinahon kong sagot.

"Is it true?"  Pag-uulit niya tila nais niyang baguhin ko ang sagot ngunit ano pang babaguhin ko?

"Yes, Laze." Napaiwas tingin ako ng mapaiwas tingin ang mga abo niyang mata sa mukha ko tila hindi matanggap ang sinasabi ko.

"Hakuna Miran, please don't lie to me." Pakiusap niya kasabay ng mga blangko niyang tingin ay hindi ko na alam ang sasabihin pa.

"Hakuna." Sambit niya muli sa pangalan ko.

Hindi ko maalis ang titig sa kaniya habang hindi siya makapaniwalang nakatitig sa akin, bahagyang umawang ang labi niya at tsaka ako nahiya nang yumuko siya sa sariling palad. "H-How on the earth did that happen?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"It just happened," matipid na sagot ko.

"You're joking, hmm?"  Dahan dahan akong umiling upang masagot ang katanungan niya ngunit, napaiwas tingin siya ng hindi alam ang sasabihin at mararamdaman.

"You're getting married?" Sumbat niya, itinuro ako na may ilang hakbang ang layo sa kaniya, "At that age? That early?" Huminga ako ng malalim at dahan dahan na tumango.

"Do you even love that person? Do you?" Itinuro niya ang kung saan kaya matipid akong ngumiti at tumango.

"You're lying," ngumisi siya.

Umiling siya at mahinang tumawa, "You're lying, I don't believe every word you say." Its lips smiled on me, staring at both of my eyes. Alternatively.

Hindi ko matagalan 'yon dahilan para mag-iwas tingin ako, "You can't do anything, you'll just watch me. And I'll watch you regret and get hurt because of me."  Matipid akong ngumiti sa sinabi, ngunit hindi ko masalubong ang tingin niya dahil ako mismo ay nasasaktan sa mga pilit niyang ngiti.

Natigilan kaming dalawa ng lumabas si Terry mula isang sasakyan na huminto sa harapan ng bahay namin dahilan para kabahan ako, "Terry." Matipid na sambit ko sa pangalan niya.

Nangunot ang noo nito at nasulyapan si Laze. "What are you doing here, Architect Garcia?" Nakangiting bati ni Terry, natahimik si Laze at nasulyapan ako.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now