Chapter 6

72 10 69
                                    

Hakuna Miran's Point of View

Kinaumagahan ay nagmadali akong pumasok dahil late ako nagising. Late na kasi namin natapos ni Laze ang mga ginawang assignments, dala-dala ko ang lagayan ng mga 'to at tsaka ako mabilis na sumakay sa bus.

Nang nasa school na ay nakasabay ko si Crizel papunta sa room, mabuti na lang at kaunti pa lang ang tao ng makapasok kami. Tatabi sana ako kay Laze ngunit hinila ako ni Crizel sa ibang upuan dahilan para mapanguso.

After discussion ay nagpaalam na ako kay Crizel at lumapit kay Laze, nakangiti ako habang siya ay blangko lang na nakatingin sa akin kaya naman napalunok ako. "Pasabay?"

Hindi siya sumagot at basta basta na lang naglakad kaya napanguso ako at humabol, habang naglalakad papunta sa cafeteria ay pilit kong sinasabayan ang lakad niya at mabuti na lang medyo binagalan niya. "Laze, ano yung sinasabi nilang opening ball? Anong gagawin doon?" Mahinang tanong ko at sinulyapan ang mga nakatingin sa amin.

"For college, a ball." Matipid niyang sagot habang nakatingin lang sa dinaraanan namin kaya naman lumunok ako.

"Lahat?"

"College," paglilinaw niya kaya tumango na lang ako.

"Laze I just wonder, are we friends?" Sobrang hina ng tanong ko at doon siya tumigil sa paglalakad, tapos ay nilingon ako.

"Ah hindi ba, classmates lang oo sabi ko nga eh ikaw naman." Mabilis kong sabi at iniwas na ang tingin sa kaniya dahil sa hiyang nararamdaman.

His eye color suits him well, his pupils are dilated when he's focusing and when he's not his eyes are more gray. His black hair are fixed by his fingers, he looks decent.

He sat down in front of a circular table with 4 seats, we let our bags occupy the two available seats. "Laze—"

"Your phone is actually ringing, kanina pa." Mabilis kong sabi tinignan niya 'yon at hindi na pinansin kaya naman tinignan ko ang caller.

"I-It's your mom."

"I know," matipid niyang sagot at sumandal na.

"Hindi ka oorder doon?" Turo ko pa.

"No, let them deliver my food." Nangunot ang noo ko sa sagot niya.

"It's self service here right?"

"They won't mind," bigla ay nadismaya ako sa pinakita niya.

"Ako na ang kukuha—"

"Let them."

"Laze nakakahiya sa kanila." Mahinahon kong sabi ngunit tinignan niya ako ng deretso.

"I said let them, if you don't want seeing me like this. Leave." Malamig niyang sabi dahilan para malakas na kumabog ang dibdib ko, it's the first time he acted rude in front of me.

Wala akong nagawa hanggang sa padabog siyang tumayo at lumapit sa counter, luh? Galit na ba siya dahil doon? Hindi ko na nga siya pinilit kunin 'yon napagdesisyonan niya lang.

"There, happy?" He looks really irritated, he's not showing any emotions but I wonder why it feels like I'm seeing it.

"H-Hindi naman kita pinili—"

"Then do you want me to give it back?" Sumbat niya kaya napatikom ang bibig ko at umiling. Mas nagtaka ako ng hindi naman siya kumain. "Hindi ka kakain?"

"Can't you just eat Miran?" Lumunok ako at alanganin na kinuha ang order niya, hindi na ako nagsalita pinanonood ko lang siyang titigan ang cellphone niyang tunog ng tunog dahil sa tawag ng mama niya.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now