Chapter 12

71 10 68
                                    

Hakuna Miran's Point of View.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa school ay natigilan ako ng may malansang nadikit sa braso ko dahilan para tignan ko 'yon, ngunit grupo na ng mga kalalakihan ang naririnig kong nagtatawanan.

Nilingon ko ang isang plastic ng mga hindi pa lutong isda kaya naman huminga ako ng malalim at kinuha 'yon, maraming hayop ang hindi nakakakain pwede pa 'tong kainin ng mga pusa na palaboy rito sa school.

Hinayaan ko sila, magbibihis na lang ako ng damit. Habang naglalakad papunta sa banyo ay namataan ko si Crizel na nakatingin na naman sa akin kaya nangunot ang noo ko at tumigil sa paglalakad pero mabilis siyang tumalikod at naglakad na papaaalis.

Ano bang problema niya?

Inayos ko ang sarili, hanggang sa mapansin ko ang panibagong grupo ng mga kalalakihan malapit sa pinto ng girl's restroom. Lumabas na ako pero hinarang ako ng isa at inayos pa niya ang polo sa harapan ko. "Let's date." Nangunot lalo ang noo ko at tinignan ang lalake.

"I'm sorry, pero may klase pa ako." Pag-iwas ko dahil mukhang hindi sila mapagkakatiwalaan.

"Miss Romero, masyado ka naman yatang nagmamadali?" Mabilis kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"May klase pa ako." Mahinang sagot ko.

"Date lang naman." Sagot niya, "kahit after class na?" Lumunok ako at umiling.

"Busy ako."

"Pasensya na, kailangan ko na pumasok." Maayos kong sabi at umalis na pero humabol ito at mas namilit.

"Just say yes." Mariing sabi niya at ayaw pang bitiwan ang braso ko.

"Busy po ako, may klase at trabaho pa ako." Nakagat ko ang ibabang labi at pilit na binabawi ang braso kong nahihigpitan sa pagkakahawak niya.

"Pa-hard to get ka naman eh." Malambing na sabi nito at ngumiti pero yung ngiti niya ay halatang napipikon na.

"Huwag ka ng magpakipot Miss Romero." Huminga ako ng malalim at galit na binawi ang braso ko ng maalala ang mga sinambit ni Laze sa akin.

"Pwede ba?!" Inis na bulyaw ko.

"Hindi mo ba naiintindihan yung sinabi ko? Busy nga ako, may klase at trabaho pa ako." Galit na pag-uulit ko.

Napatingin ang ibang mga student, at dahil doon ay parang napahiya ko yung lalake na nag-aaya. "Ang yabang mo ah, mahirap ka lang naman anong karapatan mong tanggihan ako!" Nakagat ko ang ibabang labi ng itulak niya ang balikat ko dahilan para humakbang ako paatras.

"Pakipot ka pa bayaran ka lang naman! Gandang ganda ka ba sa sarili mo dahil niyaya kita? Ha!?" Halos mapapikit ako ng itulak niya ako sa pader at idiin, masakit ang pagtama ng likod ko sa mga pader na 'yon.

"Wala kang karapatan na ipahiya ako dahil mahirap ka lang!" Dinuro duro niya ako ngunit tulad ng sinabi ni Laze, wala pa man akong nagagawa ay natatakot na ako dahil lalake ang kaharap ko.

So I am the one who's underestimating myself, that's why I was called weak.

Sukong suko akong yumuko, hindi ko alam pero bigla na lang akong umiyak sa harapan nila. Tinakpan ko ang mukha ko ng maintindihan ko kung anong sinasabi ni Laze, minumulat niya lang ako sa maling gawain ko pero minasama ko ang sinasabi niya.

Lahat ay halatang natigilan, pati na ang lalakeng tumulak sa akin. Panay ang hikbi ko, parang bata akong sumuko, parang gusto ko na lang silang isumpa lahat dahil wala akong magawa, wala akong magawa para lumaban at ipagtanggol ang sarili ko dahil isinasaksak nila sa kukote ko na mahirap ako kahit magsampa ako ng kaso ay matatalo ako.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now