Chapter 43

62 7 163
                                    

Chapter 43:

Hakuna Miran's Point of View.

After my party, I was never happy.

Ngayon ay nagbubukas ako ng mga regalong hindi ko nagawang buksan kahapon dahil sa pagod, nasa condo ako at mag-isa. Ihahatid raw ni dad ang mga regalong naiwan sa kaniya kahapon kaya naman hihintayin ko na lang dahil linggo naman.

Ang ibang bisita kasi ay hindi ko kilala dahil friends sila ni dad, nakagat ko ang ibabang labi ko ng may ma-receive akong text message from someone who's number is unknown.

From 639*********:

Good afternoon, this is Attorney Kent Axel Sandoval. I'll be calling you so please answer it. I have something to discuss. Thank you.

Attorney? May kaso ba ako? May nalabag ba akong batas?! Hala.

At halos mapatalon ako sa pagkakaupo ng malakas na mag-ring ang cellphone ko, sinagot ko 'yon at dahan dahan na inilagay sa tenga ko upang marinig siya.

"Good afternoon, Attorney Sandoval talking. May I know whom I'm talking right now?" Lumunok ako ng marinig ang malalim nitong boses at may kalamigan ang himig.

'Yon bang boses pa lang, masasabi mong gwapo at may dating na yung nagsasalita.

"Good afternoon po, Hakuna Miran Romero po." Nahihiyang sagot ko.

"Alright, I'm a private attorney. You can call me anytime you need me, I'll be one call away. I can hold cases such as Homicide, Abuse, and a lot more. That's all," napatigil pa siya at parang napaisip.

Hanggang sa may kumatok kaya tumayo ako baka si daddy, "Thank you po. I'll end the call—"

"Don't end the call yet, Miss Romero. You can open the door and tell me who's there." Nangunot ang noo ko at nagtaka, bakit?

"Yung daddy ko lang naman po inaasahan kong dadating," pagsagot ko.

"Sure but don't end the call yet." Wala akong nagawa kundi sundin siya, sumilip ako sa peephole pero nagtaka ako ng wala akong makita dahil madilim yung silipan.

Nawalan ba kuryente?

"Who is it?"

"Wait po," sagot ko at binuksan ang pinto upang silipin at dahil doon ay mabilis kong sinubukan na isara ang pinto ngunit naitulak niya 'yon kaagad.

"Tito Jubal," kinakabahan na sambit ko sa pangalan niya nanlalaki ang mata.

"Miss Romero, sino yung nandiyan?" Mabilis kong inabot ang cellphone ko at mabilis na lumayo kay Tito Jubal.

"Yung step father ko po, tulungan niyo po ako—ah!"

Tumalsik ang cellphone ko ng hablutin ako ni Tito Jubal at ihagis sa pader dahilan para mauntog ako at tumama ang katawan ko doon. "Masaya ka bang nabuo ang pamilya niyo?!" Sigaw ni Tito Jubal at hinablot ang buhok ko.

Nakaluhod ako ngayon dahil hawak niya ang buhok ko at mahigpit ang kapit doon, napaluha ako kaagad dahil sa sakit ng mga 'yon. "Mas mabuti siguro kung burahin na lang kita sa mundo, ngunit mas mabuti siguro kung pahirapan ka muna bago ka mawalan ng hininga." Napapikit ako ng sakalin niya ako at idiin sa pader.

Nahawakan ko ang kamay niya ng mahirapan akong huminga, ngunit napa-daing ako ng hablutin niya ang damit na suot io ngunit kahit na ang kuko niya ay nagalusan ako at sobrang hapdi no'n.

Napunit ang suot ko sa pantaas ngunit mas hindi ako makahinga sa sakal niya, natigilan ako ng bitiwan niya ako ngunit tinutukan niya ako ng kutsilyo sa leeg dahilan para hindi ko magawang gumalaw dahil ramdam ko ang lamig ng talas no'n.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now