Chapter 16

60 10 104
                                    

Hakuna Miran's Point of View.

Dahil malaking aso si Bullet ay malaki rin ang kagat niya kay Tito Jubal, mabilis kong tinawag ang pangalan ni Bullet at kahit iika ika ito ay lumapit siya sa akin. "Gagong aso 'yan!" Sigaw ni Tito Jubal kaya pinilit kong tumayo at mabilis naman na sumunod si Bullet pero nahirapan siya kaya binuhat ko na siya kahit pa mahigit limang kilo ang bigat niya.

Tumakbo ako papalabas ng bahay at panay ang sigaw ni Tito Jubal, derederetso akong tumakbo at pumunta sa kanto namin. Nanghihina man ay pumasok ako sa convenience store. "Kuya, Kuya pwedeng patawag? Pagamit ng telepono emergency lang po." Nagmamakaawang sabi ko, nagulat ito at natatarantang ibinigay ang cellphone niya sa akin.

Inilagay ko ang number ni Yamato ngunit hindi ma-reach, wala akong choice kundi tawagan si Laze, naiiyak na ako dahil baka maabutan kami ni Tito Jubal.

Something is really off..

Ngunit hindi sinasagot, maya-maya ay halos maiyak ako ng sagutin niya 'yon. "L-Laze, t-tulungan mo ako." Panimula ko.

"Miran, where are you?" Nagsimula akong humikbi dahil napansin ko na nahihirapan rin si Bullet mukhang napalakas ang hagis sa kaniya ni Tito Jubal.

"M-Magkita na lang tayo sa bus stop. D-Dalian mo."

"Okay."

Namatay ang tawag at ibinalik ko na 'yon sa may-ari. "Thank you kuya." Paalam ko at muli ay kinuha ko si Bullet at binuhat, dumadaing ito at naawa ako sa kaniya.

Sana ay huwag magalit si Laze.

Habang hinihintay si Laze sa bus stop ay natanaw ko sa 'di kalayuan si Tito Jubal na may hawak hawak na sinturon dahilan para kabahan ako. "Miran! Bumalik ka rito!" Sigaw niya pa.

Napaatras ako. "T-Tito.." Natatakot na sambit ko at muling naluha, nang hawakan niya ako sa braso ay wala akong nagawa kundi pumalag at tumanggi pero nahihila niya pa rin ako.

"Tito please tama na po." Pagmamakaawa ko.

"K-Kailangan ko pong dalhin sa v-vet yung aso ni Laze," pakiusap ko.

Hinila niya pa rin ako. "Tandaan mo, buhay ng nanay at kapatid mo ang nakasalalay sa akin sa oras na magsumbong ka!" Banta niya pilit niya akong hinila at nang magmatigas ako ay sinabunutan niya ako hanggang sa panay ang daing at pag-iyak ko.

Laze.. Dalian mo.

Malayo layo na kami sa bus stop hanggang sa bigla ay may kamay na humawak sa pulsuhan ni Tito Jubal. "Let go." Sobrang lamig ng tinig niya.

Laze..

Nakahinga ako ng maluwag. "Huwag kang makialam rito bata! Hindi mo 'ko matatakot sa pa—" napadaing si Tito Jubal ng pwersahan na idiin ni Laze ang bandang pulso niya at ng mabitiwan ako nito ay humarang siya sa harapan ko.

"I am not scaring you, I'm telling you to back off. 'Cause I don't like to get in trouble." Laze stated, my knees were weak and it feels like I'm about to fall but I carried my weight and Bullet's weight.

"Miran sinasabihan na kita sa oras na hindi ka umuwi." Banta niya bago kami tinalikuran ni Tito Jubal at dahil doon ay derederetsong tumulo ang luha ko na parang bata.

Umiyak ako sa harapan ni Laze na para bang ipinapaalam ko sa kaniya na kailangan ko ng tulong niya. "S-Si Bullet, dalhin natin sa ospital."  Mahinang sabi ko, kinuha niya si Bullet sa bisig ko.

"Let's go." Anyaya niya, may taxi naman sa tabi ay doon kami sumakay.

Mabilis kaming dumaan sa vet at hinintay ang doctor, napaupo ako sa gilid habang nasa harapan ko si Laze nakatayo tila pinagmamasdan ako. "He bit your step father?" Natigilan ako ng maupo siya sa sarili niyang paa at pinantayan ang tangkad ko na nakaupo sa silya.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now