Chapter 37

70 7 286
                                    

Chapter 37:

Hakuna Miran's Point of View.

Ilang linggo na ang nakalipas ay mas nalungkot ako dahil nag-iisa ako sa condo parati, pakiramdam ko ay sobrang lungkot kahit anong gawin ko. Wala ring paramdam si Laze mula ng huling pag-uusap namin, si Janella ay bibihira ko lang makaharap.

Nakagat ko ang ibabang labi ng hindi ko matapos tapos ang kahuli huli na kailangan ipasa na plates, "Mare." Nalingon ko si Crizel.

"Eye bags mo maga ah, ilang araw ka bang hindi natulog?" Kwestyon ni Crizel at naupo sa harapan ko, nagkibit balikat ako.

"Kumusta si Janella?" Kwestyon ko.

"Wala akong idea kung kumusta ba kayong dalawa kahit nakakausap ko kayo," mahinang sabi ni Crizel.

"Malapit na birthday mo ah," paalala niya kaya ngumiwi ako.

"Walang bago," bulong ko.

"Gaga meron, pwede ka na makulong, ikasal, at mag-jowa?" Napangiti ako sa sinabi niya at umirap na lang.

"Tuloy party natin sa sunday," nagtaka ako sa winika niya.

"Party?" Tanong ko.

"Oo, yung masquerade. Actually party gathering yung title with engineering and architecture." Nang maalala ko 'yon at napaayos ako ng upo.

"Pupunta si Yuno?" Tanong ko, dahil siya ang suspect ko.

"Oo, natural mare." Huminga ako ng malalim at tumango tango.

"Alright," dahil doon ay natuwa akong mag-linggo na. Ngunit bago pa man mag-linggo ay may package na dumating sa akin at halos mangunot ang noo ko ng dress 'yon.

Black dress, black wedged sandal, huminga ako ng malalim ng makita ang note.

This suits you well, make sure to wear this. Gorgeous.

And that's what I totally did, I wore the dress and the mask I wore last time since nakatago lang 'yon sa akin at dahil itim 'yon ay bumagay sa dress na suot ko.

Nang makarating sa venue ay hindi siya tulad ng college night ball dahil medyo wild yung music na naririnig ko, may alcohol, at higit sa lahat maraming tao kahit pa engineer at architecture students lang yung nandito. Walang professor kaya safe, sumingit ako.

Isa itong venue sa hotel pavilion, kahit pa ganoon ay thankful ako kay Crizel sa ginawa niya para sa akin ngunit hindi ko sila makilala ngayon. Maliit lang ang bag na dala ko at humanap ako ng puwesto sa kung saan ko siya pepwedeng makita.

Akala ko maganda ang ideya na suot nila ang contact lenses pero hindi ko pa rin siya makita, ngunit ganoon ako natigilan ng makita ang bagong pasok na naka-suot ng itim na slacks at itim na long sleeve polo, kahit na ang sapatos niya ay kung wala sigurong music ay rinig ang tunog no'n.

Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya, pamilyar ang suot niyang mask kaya naman inalala ko kung siya ba 'yon ngunit halos mahulog ko yung bag ko na hawak ng may abutin ang kamay niya sa leeg at ganoon ko nasigurado na ito nga yung sa ball dahil sa kwintas na suot niya.

Siya na nga siguro 'to.

Kung si Yuno 'to, makikilala niya ako kaagad, siguro?

Lumilingon lingon lang siya sa buong paligid, ang tucked in black buttons up long sleeve polo niya ay mas gumanda dahil sa body figure niya at ang kwintas na kakaiba.

Hindi ko inalis ang titig sa kaniya, hindi ba siya titingin sa gawi na 'to?

Nang may lumapit sa kaniyang babae ay itinaas niya ang kamay na para bang, hands off ang gusto niyang ipalabas. Nang lumapit ang waiter sa kaniya ay kumuha siya ng kupita, bahagyang madilim ang venue dahil 'yon ang maganda na theme.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon