Chapter 22

62 11 151
                                    

Chapter 22:

Hakuna Miran's Point of View.

Halo-halo ang naramdaman ko, kinakabahan at nag-aalala dahil ngayon ko lang siya nakitang umiyak. "L-Laze, a-anong problema?" Kwestyon ko at pakiramdam ko ay maiiyak na rin ako pero iniiwas niya ang sariling mukha at pinahid ang mga luha na para bang wala lang ang mga 'yon.

Ngunit ng tignan niya ako ay natigilan ako dahil nakaguhit sa mga mata niya ang malungkot na tingin sa akin, "Laze?" Pagtawag ko.

Natignan niya ang sariling sapatos at tsaka niya tinignan ang palad. "Maybe you're right, I look like a monster. I act like it, because I was once was.." Napakurap ako, monster?

'Yon ba ang dahilan kaya siya nasaktan? M-May deep meaning ba 'yon sa kaniya? Does it give him trauma?

"Laze, sorry.." Tinitigan niya ako at doon ay bumalik na sa walang emosyon ang mga tingin niya. "Let's fetch your brother," wika niya na para bang walang naganap o nangyari.

Hindi na ako umimik at sinabayan siya sa paglakad. Nang masundo si Yamato ay galit na galit itong magkekwento sa amin. "Ate, ang babastos nila! Sobra!" Nakatitig lang ako sa daan habang nakikinig.

"Hmm."

"Ate, grabe talaga! The disrespect is real, sabihin ba naman ng babae sa akin Yamato kudasai? Ate, ansakit sa puso!" Nang sabihin 'yon ni Yamato ay hindi ko mapigilang matawa.

"Ate isa ka rin eh! Binastos yung magandang pangalan ko na bigay ni papa! Hindi ko matanggap!" Nakagat ko ang ibabang labi ngunit hindi ko mapigil ang tawa.

Yamato Kudasai amp.

"Kababaeng tao ate, ang bastos. Ang ganda ng pangalan ko para i-ungol! Ang bata niya pa ba't niya alam 'yon!" Nangunot ang noo ko at nilingon si Yamato pero mabilis kong nakita si Laze na tinakpan ang bibig ni Yamato habang nakaakbay siya kay yamato.

"Hmmp!" Reklamo ni Yamato pero napanood kong sumenyas si Laze na tumahimik siya.

"Anong sinabi mo?" Pinanlakihan ko ng mata si Yamato na alanganing tumawa.

"He said nothing, let's go." Anyaya ni Laze kaya naningkit ang mata ko at ng makabalik ay ganoon pa rin sila Crizel at Janella, tahimik na nanonood habang umiinom at kumakain.

"Hala." Natigilan si Yamato at naturo si Janella.

"Magkakilala kayo ate?" Masayang sabi ni Yamato kaya nangunot ang noo ko at tumango.

"Yamato, ikaw pala. M-Magkakilala rin kayo?" Tanong ni Janella.

"Kapatid ko." Turo ko kay Yamato at dahil doon ay nanlaki ang mata ni Janella.

"Really? Siya yung nakilala ko sa school, yung nagturo ng comic bookstore." Nakangiting sabi ni Janella.

"Oo nga po, magkaibigan po pala kayo ni Ate Miran." Nakangiting sabi ni Yamato kaya hinayaan ko silang magdaldal.

Nang alas diyes na ay medyo may tama na rin ang mga kaibigan ko pero si Crizel ay parang normal lang ako naman ay dama na ang antok. "Janella." Tinapik ko sa pisngi si Janella na nakasandal sa sofa habang nakapikit at bahagya ng nakaawang ang bibig mukhang tulog na.

"Bagsak na." Natatawang sabi ni Crizel.

"Saan yung condo niyo?" Tanong ko.

"Walking distance lang mare, naparami yata siya ng wine." Ngumiti ako at tinitigan si Janella na animo'y bata na natutulog.

"Hatid na namin kayo." Mahinahon kong sabi.

"Boys! Ano? Galaw galaw!" Singhal ko at dahil doon ay sinubukang tumulong ni Yamato pero nakanguso siyang tumigil.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now