"Let's go somewhere," may plano nga siya! Saan naman kaya?
"Where?" curious ako, siyempre.
"You'll know later," nag-text na lang ako kay Mommy para alam niya na lumabas ako. Nagbihis lang ako saglit at sumakay na nga kami sa sasakyang dala niya.
"Kanino 'yan?" pickup truck kasi siya, puwedeng maglagay ng gamit sa likod dahil bukas.
"Mine, my other car," e 'di ikaw na ang dalawa ang sasakyan, pahingi ng isa.
Grabe! Ikaw na ang mayaman, ikaw na ang gwapo, ikaw na ang may business, ikaw na ang may mansion, ikaw na ang mabait, ikaw na ang perfect. Hindi nagtagal ay sumakay na kami sa sasakyan niya.
"Saan ba tayo pupunta, Philip?" sa Serenity siguro?
"Somewhere dark, cold with no distractions," ha? Saan 'yon? Madilim? Malamig? At walang abala? Teka, hindi naman siguro.
"Somewhere we can lie down and relax," dagdag pa niya.
Napalunok ako, madilim... malamig... kami lang dalawa... puwedeng humiga at mag-relax? Huwag mong sabihing sa... hindi, hindi... napalunok na naman ako.
"Philip?" hindi ako mapalagay sa mga binibitiwan niyang mga salita.
"Hey, Joan, why are you so pale?" natatawa siya nang kaunti.
"Saan ba tayo pupunta?" Hindi siya sumagot. Maya-maya ay tumigil na ang sasakyan. Hala! Ang dilim nga rito, nasaan ba kami? Nakakakaba naman!
Hoy, Joan, tumigil ka nga! Masyado kang praning, magtanong ka muna bago ka mag-overthink.
"Philip, nasaan ba tayo?" kinakabahan na talaga ako sa kanya.
"Let's go," ha? Sasama ba ako o kailangan ko nang tumakbo ngayon?
"Come on, Joan," bumaba siya ng sasakyan at binuksan ang pinto ng passenger seat.
"Philip, bakit ba kasi hindi ka sumagot nang maayos!" sigaw ko nang hawakan niya ako sa pulso 'pag bukas ng pinto.
May sinasabi siya pero hindi ko marinig dahil kabadong-kabado ako. Hinatak niya ako ng ilang segundo hanggang sa paupuin niya ako sa likod ng sasakyan.
"Philip!" nang makaupo roon ay binitiwan niya ako, muntik ko na siyang masipa pero biglang may umilaw sa kamay niya, may hawak pala siyang flash light.
"Joan, relax," Itinapat niya ang bagay na 'yon sa mukha niya. Tumawa lang siya, nakakaasar! Nagwawala na ako rito, tumawa lang siya.
"Joan, look," turo niya sa kalangitan kaya agad ko naman 'yong sinundan. Ito pala ang sinasabi niya... wow! Nganga naman ako. Ang ganda naman ng night sky, punong-puno ng stars, nagniningning, iba't iba pa ang kulay.
"You said a lot of things, huh?" eh kasi naman, ang galing niya mag-describe! Nakaloloka!
"Uy, sorry naman Philip, natakot lang ako, akala ko kung saan mo ako dadalhin, sabi mo kasi madilim, tapos malamig, tayo lang dalawa, tapos may nalalaman ka pang hihiga at magre-relax," ayan! Mukha tuloy akong engot ngayon. 'Yan ang tinatawag na sa pag-overthink.
"We can do that, you know. What were you thinking? Ouch," sabi niya sabay tawa nang malakas. Kinurot ko siya sa braso, ang kulit e!
Uminit nga 'yong pisngi ko sa sinasabi niya. Buti na lang madilim at hindi niya makikita dahil nakahihiya. Maya maya ay naglatag siya ng sarong sa inuupuan ko, tumabi na siya sa akin at nahiga kami para mas makapag-relax at makahiga habang nag-star gazing.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 21
Start from the beginning
