"Ah, ibig sabihin first time mong ginawa 'yang leche flan?" malamang naman, 'di ba? Hindi siya mapakali sa pagkakaupo sa sala namin. Ano'ng problema niya?
"O-ah, hindi..." oo ba o hindi? Ang gulo! Oh well, tinikman ko ang ginawa niya last time, sobrang tamis, dapat ba akong magduda sa leche flan na ito?
"Ano ba talaga?" tiningnan ko ang reaksyon niya. Namula ang buong mukha niya! Ha?
"P'wede bang mag-thank you ka na lang? Ayan ka na naman, Mojow, nagsusungit ka na naman."
"Oh, s'ya, thank you," nakahihiya naman at nagdadala nga naman siya ng pagkain na libre.
"Saan nga pala kayo this sem break?" tanong niya. Bakit naman siya interesado?
"Hindi ko pa alam e, kayo ba?"
"Di ko pa rin sure e, paalis na rin kasi si Mama sa isang araw kaya hindi ko pa alam," ang bilis naman yata!
"Aalis na pala s'ya?" hindi, Joan! Kasasabi lang, 'di ba?
"Oo e, s'ya nga pala, sasama ka raw ba sa paghahatid sa kanila sa airport kung p'wede ka? Gusto ka uli makita ni Mama e," gusto uli akong makita ng Mama niya?
Wow, bakit? Kung sabagay, mabait naman si Tita Cherry. Hala! Hindi ko pa nga pala nahahanap 'yong bracelet! Kailangan ko nang mahanap, as soon as possible.
"Nila? Ibig sabihin, sasama si Cheska?" tanong ko.
"Oo, biglang gusto nang sumama, mag-iisip siguro," tumingin siya sa malayo.
"Hala, alam na kaya 'yan ni Ken? Paano na sila?" Oops teka, 'wag na kasi akong makialam, kaya na niya 'yon. Pero, pero, siyempre, kaibigan ko pa rin.
"Mojow... desisyon na nila 'yon, hayaan mo na sila," at may point siya. 'Yon din naman talaga ang naiisip ko.
"Oo nga, tama, bakit ba ako ang namomroblema?" sabi ko sabay tawa ng akward kaya tumingin siya sa akin at tinapik ako sa kaliwang balikat.
"Sige, uuwi muna ako," paalam niya at tuluyan nang umalis.
"Sige, ingat!" umakyat ako sa kuwarto at nag-isip ng mga posibilidad. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, paggising ko madilim na, kaya bumaba muna ako.
"Oh, Philip?" bakit kaya parang laging may lakad ang isang ito kung makapagbihis? Pero in fairness, gwapo talaga. Parang ang bango, ehem, ehem, baka tumulo ang laway ko.
"Hi, Joan!" bati niya nang makita ako.
"Hello, oh may kailangan ka?" malamang! hindi naman siya mag-aabala na pumunta rito kung wala 'di ba?
"Well, I am going to talk to your parents," huh? Ano'ng meron?
"Huh? Bakit?" ano bang sinasabi niya?
"Well, I'm going to ask for their permission to court you," hindi ako nakapagsalita, Whoa! Ang lakas ng loob. Check! First time, may magsasabi sa parents ko na manliligaw siya.
"I want everything to be official," sabi pa niya. Oh, wow!
"Ah..." at 'yon lang ang nasabi ko kahit nagwawala na ang kalooban ko.
"Where's your parents?" tanong niya at lumingon-lingon pa sa buong bahay.
"Nasa bedroom na nila, maagang natulog," paliwanag ko.
"Oh, I see. Are you free tonight?" wala naman akong gagawin tonight dahil sem break.
"Yes," may plano ba siya?
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 21
Start from the beginning
