"Oo, e!" napakamot pa siya sa ulo.

"Sure ka bang hindi na 'yan nakaka-distort ng taste buds?" nakatingin din si Belle sa ngayon ay inilabas na niya sa paper bag na dala. Ano ba 'yong pinag-uusapan nila? Bakit hindi ako maka-relate?

"Hindi na Belle, sigurado na mae-enjoy na ito ng taste buds mo," aba! May paganyan ka pa Cee, ha?

"Good, at isa pa ayokong ma-tooth decay, I just want my teeth to be perfect."

"Sure 'yan," ngumiti siya sa kapatid ko.

Aba, in fairness, nagkakaintindihan sila ni Belle. (read with feelings.) IN<pause>FAIRNESS.

Pero teka, bakit naman biglang nagdala si Cee ng pagkain dito sa bahay? Hmm... ang labo!

Teka, tama ba ang narinig ko? Siya ang gumawa nito? Bakit? Hmm... wait lang, last week 'yong cookies na nakita ko sa kusina, sobrang tamis, hindi ko nakain. Siya rin kaya ang gumawa no'n? 'Yon kaya ang pinag-uusapan nila?

"Ikaw mismo ang gumawa, n'yan?" hindi ko kasi alam na marunong pala siyang gumawa ng leche flan.

"Paulit-ulit lang, Mojow?" Aba! Nang-aasar ka pa. Gusto mo ng flying kick? 'Wag mong inaasar ang hindi maka-relate sa usapan.

"Sumagot ka na lang kasi, CEEra ulo," sabi ko na pahina sa 'CEEra ulo'.

Na-realized ko kasi bigla na nasa bahay ako at nasa harap ng pamilya ko, parang nakakahiya naman na sigawan ko ang isang ito.

"Oo," wow! Siya nga ang gumawa. Naks naman! May talent!

"Para kanino?" Ayee! Sa akin, ano? Ayee! Feeler ko naman.

"Sa kanila," sa kanila? Paano naman ako?

"Sa amin lang talaga? Hindi kasama si Ate?" natatawang tanong ni Nika. Sige! Inyo na lang, ayaw naman akong bigyan ng CEEra ulo na 'yan.

"E mukhang ayaw naman n'ya," ayaw ko talaga, kailan ba ako kumain ng leche flan? Teka, bakit parang bigla akong naging bitter sa leche flan?

"Ayoko nga! Sa inyo na 'yan," ayaw akong bigyan? Fine! Hindi ko ikamamatay! Pero... I want!

"E favorite mo 'yan ah," favorite ko talaga 'yan, daddy!

"Ayaw pala, ha?" daddy! bakit mo naman ako nilaglag sa CEEra ulo na yan? Oo na, favorite ko nga 'yan, panalo ka na! 

Ano naman kayang pauso na ito ni Cee? Nagpapa-impress? Kanino? Sa akin? Naku! Malabo, imposible! E para saan? Makikipag-close sa kanila?

Puwede! Didiskartehan niya ang mga kapatid ko? Ano? Hindi naman siguro! Uupakan ko siya!

"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya ng kami na lang ang magka-usap. Nagpulasan na kasi ang pamilya ko sa kani-kanilang business ngayong sabado ng hapon.

"Leche flan," uupakan ko na talaga ang isang ito, napakapilosopo.

"Alam kong leche flan 'yan, para saan?" sumagot ka nang maayos kung hindi makakatikim ka na talaga!

"Ah, gusto ko lang tikman nila, sinusubukan ko kasi ang pagluluto, nakita ko lang sa internet,"

Ah... okay! Siguro ay hindi mahilig si Cheska kaya sa bahay namin dinadala. Wala namang problema, at least ngayon ay malinaw na. Kami ay ginagawa niyang tester ng mga luto niyang experiment.

"'Yong cookies last week? Sa'yo rin galing?" Annoying na kaya ako? Tanong na kasi ako nang tanong.

"Oo,"

It Started with a McFLOATWo Geschichten leben. Entdecke jetzt