Chapter 45

17.4K 312 200
                                    


Chapter 45

Ring

Anim na araw na rin simula noong huling mag-usap kami ni Andre. I continued with my life, trying my best to stay positive. I still cry at night, but I'm slowly recovering from everything. Hindi na ako nagkukulong pa sa aking condo at bumalik na rin sa trabaho. It may be a small achievement, but it's still progress.

Apat na araw na rin akong dire-diretsong pumapasok sa trabaho. Dahil hindi ako nagpakita roon ng isang buong linggo ay tambak-tambak na rin ang aking mga gagawin. Mas mabuti na ang ganito. Mas gugustuhin ko pang lunurin na lamang ang aking sarili sa dami ng naitambak na trabaho sa akin kaysa magmukmok sa isang tabi ng aking condo.

Today is friday. Since wala na rin namang pasok kinabukasan ay inaya ko sina Jade at Nica na mag-bar. Since I am no longer pregnant, I can go back to my old life. Working from Monday to Friday, and partying at friday nights. Bahala na kung anong gagawin ko kinabukasan.

"Maia, sigurado ka nang ayos ka nang mag-bar?" nag-aalalang tanong ni Jade sa akin. I nodded at her as a response. "Baka mabinat ka na naman! Ayaw na kitang makitang tulad noong isang linggo!" dagdag nito.

I let out a sigh as I shook my head to the side. "Jade, calm down. I really am fine. Nag-inom na rin naman ako noong isang linggo pagkalabas ko ng hospital. What more if I drink after a week of being discharged?" natatawa kong banggit.

I was not 'that' drunk the last time I drank beer, but it's still alcohol. Nothing bad happened to my body that was caused by the alcohol.

"Jaydee will come with us," walang emosyong singit ni Nica sa aming usapan.

"Wait, your boyfriend is coming with you? Hindi ako informed na puwede palang magsama!" gulat na tanong ni Jade.

We're still at Jade's condo, that's why ngayon pa lamang nag-aaya sina Jade at Nica ng ibang kasama. Nanahimik na lamang ako sa isang tabi nang marinig iyon. Wala naman akong maiimbita pang iba. Sila lang naman ang kaibigan ko.

"Do whatever you want," sagot ko sabay tingin sa aking cellphone. Didn't know that I will just be a thirdwheel with the two of them. I was not informed that this will be a couple's trip. Sana naghanap muna ako ng kapartner ko.

I heard Jade squealed as she she immediately called her boyfriend. Nang dumating na si Jake sa condo ni Jade ay agad din kaming umalis. Nica told us that Jaydee will be there already.

Kaniya-kaniya kami ng kotse na dinala dahil kaniya-kaniya rin kami ng dala kaninang umaga papunta sa opisina. Magkasama si Jade at Jake habang mag-isa naman kaming dalawa ni Nica. I let out a sigh as I continued following the black car in front of me, which was Nica's car.

Hindi na kami nag-uusap ni Andre isang linggo na ang nakakalipas. He distanced himself from me, and I did the same thing. Hindi na rin kami halos nagkikita sa kompanya dahil sa pagkakaalam ko ay hindi na ito bumababa ng kaniyang opisina kung walang gagawin sa labas. That's good. For us to avoid being awkward when we see each other.

Ilang minuto kaming nag-drive hangga't sa makarating na kami sa bar na madalas naming tinatambayan. Since Jake is coming with us, hindi na kami tumuloy pa sa pagpunta sa bar ni Hugh. We all know that Hugh and Jake have bad blood with each other. We don't want a fight to happen tonight.

Nang makapag-park sa tabi ng kotse ni Nica ay agad kong kinuha ang aking puting shoulder bag na nasa passenger's seat. I extended my right arm as I reached for the bag. Napatigil ako nang biglaang kuminang ang isang bagay na nasa aking kamay. I stopped when my wedding ring glistened as it was suddenly hit by the street lights.

Tuluyan ko nang kinuha ang aking bag at saka inilapit iyon sa akin. I looked down on my hand as my thumb and forefinger caressed the gold ring.

There were studs of diamonds on top that stops halfway. I was not the one who picked this ring. Nagpabili na lamang kami ni Andre sa iba dahil wala na naman kaming pakialam sa maliliit na bagay tulad nito. The important thing was that we got married.

An Oath To Take (Imperfect Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon