Chapter 21

19.1K 406 107
                                    


Chapter 21

Stick

"Ms. Munoz, please bring all of the papers I told you to finish yesterday," bungad sa akin ng aming team leader pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa opisina. Hinihingal akong napabuntong-hininga at tinanguan ito bilang sagot.

"Yes po, Sir," I responded as he immeditely walked out of my sight.

Napapikit na lamang ako nang maramdaman ang kaunting kirot sa aking ulo. I let out a deep sigh as I raised my hand to reach for my aching head. Ilang araw nang sumasakit-sakit ang aking ulo. Hindi ko rin natapos ang mga pinapagawa sa akin ng aming team leader kahapon dahil sa sobrang tindi ng sakit ng aking ulo.

Hindi ko ba alam kung dahil ba sa sobrang pagod ito kaya sumasakit ang aking ulo. Natambakan din kasi kami ng trabaho dahil sa biglaang pag-ayaw ng aming team leader sa una naming ginawang plano. Kaya ngayon ay inuulit namin ang lahat, kasama ang iba pang gawain na dapat naming ginagawa ngayong linggong ito.

Pumunta ako sa aking cubicle at hindi na nag-abala pang puntahan sina Jade at Nica. They're probably busy, just like me. Lahat kami rito ay halos okupado sa lahat ng ginagawa.

Agad-agad 'kong ginawa ang iniuutos sa akin ng team leader at sinubukan itong tapusin. Kahit sobrang sakit at kirot na ng aking ulo ay binabalewala ko iyon at baka ako'y mapagalitan pa. It took me almost an hour and a half to finish all of the things that the team leader gave me.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa printing room naming at agaran iyong prinint. I compiled all of the papers in a single folder and headed to the office of the team leader. "Thank you, Ms. Munoz. You can leave it there," sabi nito nang hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.

Tumango ako at iniwan ang folder sa harap ng kaniyang lamesa. Agad akong lumabas ng opisina nito at nagtungo pabalik sa aking cubicle. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang biglaang kirot ng aking ulo. I groaned as I tried to massage the temple of my head with my fingers.

I shook my head to the side and continued all of the work given to me.

Nang dumating ang tanghalian ay naunahan na ako nina Jade at Nica na mag-aya para kumain sa baba. Mabilisan naman akong sumang-ayon sa kanila at sabay-sabay kaming bumaba ng building.

"Mag-korean food kaya tayo? Matagal-tagal na rin simula nung huli tayong kumain ng korean food," aya sa amin ni Jade. Tumango lamang ako bilang sagot at tumingin sa gawi ni Nica.

"Sure. It has really been a while since the last time we ate there," sabi nito.

"Hmm... I'm craving for something soupy," tuwang-tuwa na banggit ni Jade.

Napatingin naman ako rito at agad napatango. I felt my stomach grumble as I heard the word 'soup' from Jade's mouth. "Same."

"Soup is perfect for you, Maia. Ilang araw ka nang nagsasabing ang sakit ng ulo mo. Baka naman masyado mo nang pinapagod sarili mo 'ah? Take a break sometimes," nag-aalalang bilin sa akin ni Nica.

Nang makalabas kami ng company building ay dumiretso kaming tatlo sa madalas na kinakainan namin na korean restaurant. Agad namang umorder si Jade para sa aming tatlo. While waiting for our order, I faced the table and leaned my head towards it. Ipinatong ko ang aking ulo sa dalawa 'kong braso at saka ipinikit ang aking mga mata.

I flinched as I felt a sudden caress on top of my head. "Parang pagod na pagod ka ata, Maia..." rinig 'kong bulong ni Nica. "Pahinga ka rin minsan. Don't forget to take care of yourself. Your health should be your top priority," dagdag pa nito.

I raised my head and looked at her. I gave her a small and tired smile as I tried my best to hide the exhaustion in my eyes. "Thanks, Nica. It's just we've been given a lot of things to finish, especially this week. I'll make sure to take a long rest after finishing everything," sagot ko at muling tumungo sa lamesa.

An Oath To Take (Imperfect Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon